Lead star ng teleserye mahilig tumakas sa lock-in taping, nabuking ng production staff

LUKANG-LUKA ang buong production ng TV series na kasalukuyang sinu-shoot ngayon (lock-in) dahil ang isa sa lead star nila ay umaalis nang hindi nagpapaalam.

Mahigpit na bilin ng executive producer ng show na walang lalabas kahit day-off dahil nga naka-bubble sila at kung importante ay puwede naman as long as magpaalam para sa gagawing PCR test para same lahat.

Naloka lang ang lahat dahil may shoot pagkatapos ng isang araw na day-off dahil hindi pa bumababa ng hotel ang isa sa lead star para sabay-sabay sa service patungo sa location.

Pinatawagan na sa hotel staff ang kuwarto ng isa sa lead star pero walang sumasagot kaya kinailangang puntahan na siya ng staff ng production.

At hayun, natuklasang walang tao dahil sa loob ng 30 minutong pagkatok sa kwarto niya ay walang response at sinubukang tawagan ang cellphone ay wala ring naririnig na ring mula sa loob ng kuwarto. Sa madaling salita walang tao.

Nang makababa na ang production staff para sabihin sa executive ng production ay nakitang humahangos papasok ang isa sa lead star na umalis pala at overnight itong wala sa kuwarto niya.

Humingi naman daw ng dispensa ang isa sa lead star dahil nagkaproblema raw sa sasakyan niya kaya hindi siya nakabalik kaagad at nagtatakbong pumunta sa kuwarto niya para mag-shower at magpalit ng damit dahil halatang bagong gising.

Na-delay ang shooting ng series dahil two hours late ang isa sa lead star na humingi ng dispensa sa direktor at producer na dumalaw pala ng araw na iyon.

Pero hindi nag-sorry ang pasaway na lead star sa co-actors niya kaya imbiyerna sa kanya at hindi siya pinapansin ng mga ito.

May nagsabi na ayaw na nila makausap ang isa sa lead star dahil ugali pala talaga nito na tumatakas sa bubble.

At nalaman namin na may raket pala ang pasaway na lead star na ito.  Teka, walang nabanggit sa amin kung nagpa-antigen test siya? Buti na lang wala kaming nabalitaang may nag-positive sa shoot.

Read more:

Paul Salas feeling lucky na makatrabaho ang GF na si Mikee Quintos sa ‘The Flower Sisters’, umaming nag-struggle sa taping

Lock-in taping ng serye nina Dennis, Barbie at Julie Anne sa Ilocos binagyo, nilindol: Pero nakaraos din…

Christopher de Leon, Ruru Madrid ilang beses nagkasakitan sa taping ng ‘Lolong’, fight scenes totohanan na

Read more...