Bianca Gonzalez walang planong pasukin ang pag-aartista; umaming mas istriktong magulang kesa kay JC Intal
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
JC Intal, Bianca Gonzalez, Lucia at Carmen Intal
AMINADO ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez na mas istrikto siyang parent kumpara sa asawa niyang si JC Intal.
Pitong taon na ngayong nagsasama ang celebrity couple bilang mag-asawa at biniyayaan sila ng dalawang babaeng anak — sina Lucia, 6, at Carmen, 3.
Ayon kay Bianca, sa seven years na pagsasama nila ng retired professional basketball player, napakarami pa nilang nadi-discover sa isa’t isa.
Super thankful din siya dahil nabigyan siya ng isang uri ng trabaho kung saan may freedom siya pagdating sa pagbalanse niya ng oras — bilang working mom, asawa at hands-on mom sa kanyang mga anak.
“I think the beauty sa work ko is hindi ako 9 to 5. Because of that, nadadala ko yung kids ko sa school, hinahatid ko sila.
“The preparation of baon in the morning. Pag-take ng temperature. Lahat, paghanda ng bag, super hands-on,” ani Bianca sa isang panayam.
Aniya pa, “Kapag times na may work ako, buti na lang my husband din hindi 9 to 5, siya naman ang sumusundo sa kids.”
Kasunod nito, nabanggit nga ni Bianca na mas instrikto at disciplinarian siya bilang magulang.
“Because I guess daddy siya and we have two girls so parang konting hingi lang ng mga anak namin, he would give in.
“So, yes ako yung strict pero sobra akong malambing. Very loving, very malambing. Very hands-on and very strict,” aniya pa.
Sabi pa ng TV host, napakabilis dumaan ng panahon ngayon kaya naman talagang naglalaan sila ngv quality time bilang hands-on parents.
“I feel that this is the time na ang bilis mawala na maliit sila. So, I try to make the most of this age,” sabi ni Bianca.
Pagpapatuloy pa niya, “Until now, work-from-home pa rin ang karamihan talaga ng work ko so whenever I need to have interviews, whenever I need to make interviews, it’s still at home.
“Bihira lang yung mga in-person events. The day is just filled with quality time with them and also work. I’m really able to schedule well,” aniya pa.
Sa tanong naman kung nasa plano ba niya ang pag-aartista, “Sa almost 19 years ko, lagi akong tinatanong mag-a-act ka pa ba? At this point, parang hindi na talaga.
“Mas enjoy kong interbyuhin na lang yung mga bida ng pelikula kesa sa ako,” sabi ni Bianca.
Tungkol naman sa podcast niyang “Paano Ba ’To”, “It’s a platform for everyone who are interested sa mahabang usapan, which is the nature of the podcast.
“We are used to short videos, snackable (content) but a podcast kasi mas deep dive siya. You really get to spend time with the one you’re listening to.
“I think one thing in common na narinig ko sa local podcasters is they really started because gusto lang mag-chikahan, gustong mag-share ng stories. So it was the same with me.
“My topics in my podcast are things that I’m really interested in, things that I really want to learn about,” pagbabahagi pa ni Bianca sa nasabing panayam.