Heaven Peralejo excited sa ‘star-studded’ na teleserye: First time ko po ang ganitong klaseng character

Heaven Peralejo

PHOTO: Instagram/@heavenperalejo

SUPER excited na ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo sa kanyang bagong teleserye na ipalalabas sa susunod na taon.

“Star-studded” ang upcoming TV show ng aktres na “Linlang” kaya naman ngayon pa lang ay abangers na ang mga manonood sa naturang programa.

Kabilang na riyan ang mga bigatang artista na sina Maricel Soriano, Kim Chiu, JM de Guzman, at Paulo Avelino.

Makakatrabaho niya rin sa proyekto ang ilang beteranong aktor gaya nina Ruby Ruiz, Jaime Fabregas, and Raymond Bagatsing.

Sa isang Instagram post ay lubos siyang nagpapasalamat lalo na’t “first time” niya raw gampanan ang kanyang magiging karakter sa “Linlang.”

Sey niya sa post, “It’s such an honor to be casted in a teleserye with such a unique script and powerful casts.”

Aniya, “ First time ko pong gampanan ang ganitong klaseng character kaya’t malaking pasasalamat sa @dreamscapeph sa oportunidad at pagtitiwala.

“Isa sa mga teleseryeng hindi niyo dapat palagpasin!”

Maraming kapwa-artista rin ang nag-comment sa post ni Heaven at tila “looking forward” na rin sa inaabangang teleserye.

Wala pang detalye kung ano ang magiging istorya ng “Linlang,” pero mapapanood sa pasilip nito na tungkol ito sa pagtataksil sa isang relasyon.

Ang “Linlang” ay mula sa direksyon nina Jojo Saguin at Manny Palo.

Ayon sa kanila, “one of a kind” at talagang kakaiba ang upcoming show.

“Ito ay isang kakaibang teleserye. Kapag nakita niyo ang teasers namin o trailer namin ay sobrang mae-excite kayo,” sey ni Manny sa pasilip.

Read more:

Jameson Blake umamin na sa tunay na relasyon nila ni Heaven Peralejo: I like her, she’s really nice…

Jameson Blake itinangging may relasyon sila ni Heaven Peralejo: We’re not together

Heaven Peralejo, Jameson Blake magdyowa na raw: ‘Kung ganyan ka kaganda, maraming aaligid sa ‘yo, maraming manliligaw’

Read more...