OPISYAL nang magkakaroon ng “solo debut” si Jin, ang isa sa mga miyembro ng K-Pop superband na “BTS.”
Ang exciting news, inanunsyo ng kanyang talent agency na “Bighit Music” sa pamamagitan ng mga social media post.
Ang kauna-unahang single ni Jin ay pinamagatang “The Astronaut” na nakatakdang ilabas sa October 28.
Ayon pa sa talent agency, ang bagong single ay inihahandog ni Jin para sa fans ng BTS at ito raw ang kanyang regalo para sa “Army.”
“Jin put his love for the Army in making ‘The Astronaut,’ and we anticipate it to be like a gift to the Army,” Sabi sa isang pahayag.
Ibinandera din ng Bighit Music sa socmed ang “official logo trailer video” ng kanta na kung saan makikita sa mahigit dalawang minuto na video ang isang astronaut na lumabas sa kanyang spaceship at nakarating sa iba’t-ibang lugar ng kalawakan.
The Astronaut
2022.10. 28. 1PM (KST)
👨🚀 https://t.co/C9HTwK7ove#진 #Jin #TheAstronaut pic.twitter.com/sOxcYyf6aQ
— BIGHIT MUSIC (@BIGHIT_MUSIC) October 18, 2022
Base naman sa “promotion schedule” ng single, ngayong araw, Oct. 20, ilalabas ang poster.
Sa October 24 at 26 naman ang mga “concept photo”, habang sa October 27 ire-release ang “teaser” ng music video.
#진 #Jin ‘The Astronaut’ Promotion Schedule#TheAstronaut pic.twitter.com/Gf714gePH7
— BIGHIT MUSIC (@BIGHIT_MUSIC) October 18, 2022
Ang totoong pangalan ni Jin ay Kim Seok-jin at matatandaang taong 2013 siya nag-umpisa sa music industry bilang bokalista ng bandang BTS.
Si Jin ang binansagang “silver voice” ng Grammy panelist na si Lim Hyung-Joo dahil sa galing niyang magpalit-palit ng “singing styles.”
Matatandaan din na kamakailan ay inanunsyo ng kanyang talent agency na siya ang unang sasalang sa mga miyembro ng BTS na tuparin ang “mandatory military service” sa South Korea matapos niyang ilabas ang solo single.
Read more:
BTS kinilala sa iba’t-ibang bansa, napasama sa ‘Greatest Concept Albums of All Time’
BTS, President Biden sanib-pwersa kontra anti-Asian hate crimes: We were devastated…