Maxene Magalona on marriage: ‘Give yourself to God before you give yourself away’

Maxene Magalona

Maxene Magalona (PHOTO: Instagram/@maxenemagalona)

MAY panibagong “life lesson” para sa madlang pipol si Maxene Magalona matapos umaming siya’y “single” na at hiwalay na sa kanyang asawang modelo na si Rob Mananquil.

Sa kanyang social media post ay ibinahagi niya ang ilan sa mga pinaka importanteng aral sa kanyang buhay-asawa.

Kalakip ng kanyang mahabang message ang dalawang litrato na nakasuot pa siya ng wedding dress.

Bungad pa niya, “Give yourself to God before you give yourself away.”

Una niyang tinalakay sa post kung bakit karamihan sa mga relasyon ay hindi nagtatagal.

Ang pinaniniwala raw niya, dahil ito sa “trauma” at masasamang alaala mula noong pagkabata.

Aniya, “I believe one of the reasons why most relationships don’t work is because people come into them with unresolved trauma & unprocessed pain from childhood.

“When two wounded souls come together, no matter how great things are at the beginning, they will end up unconsciously projecting their traumas and pain onto each other if neither of them do the inner work to heal.”

Nagpayo rin siya na dapat umpisa pa lang ay pag-usapan na ng couple kung ano nga ba ang kanilang intensyon sa kanilang relasyon.

Caption niya, “Instead of just dating & courting each other at the beginning of a relationship, I highly recommend having a very honest conversation about your intentions as to why you want to have a relationship in the first place.”

Ayon din kay Maxene, magandang magkaroon ng “deep conversation” sa inyong partner na kung saan kayo’y magigiging tapat at totoo habang pinag-uusapan ang ilang masasamang karanasan sa buhay.

Dito raw kasi malalaman kung tanggap ka ng iyong partner.

“Get real and vulnerable by discussing things like your past traumas, mistakes and heartaches. Things that trigger you.

“Your fears and uncertainties.

“It’s nice to have fun & lighthearted conversations especially at the start of a relationship but I believe what will truly make it last is when we can just be completely honest with each other and have deep and meaningful conversations—especially the uncomfortable ones.

“This will help you determine whether or not you want to continue with the relationship and if you think it will work.

“This will save you time and unnecessary pain.”

May payo rin si Maxene para sa mga may masaya at matatag na relasyon.

Ito ang sabi niya, “If you are currently in a happy & stable relationship, I encourage you to constantly ask each other how you feel and hold space for each other with no judgment.

“Spend quality time and be present.

“Cry about your worries & fears and then laugh about them together, too.”

Doon naman daw sa mga relasyon na hindi na okay, mas maganda raw na maging tapat at pag-usapan kung “worth it” pang magtagal sa relasyon.

Sabi niya, “If you are in an unhappy relationship, it’s best to have an honest, heart-to-heart conversation and ask yourselves if it is worth holding on to something that isn’t making your soul smile anymore or if it’s better to just gracefully & lovingly let go so that both of you can move on to the things that are truly meant for you.”

At finally, para sa mga single diyan.

Payo niya, “If you are single, focus on working on yourself and embody the traits that you want in a partner. Heal so that you can be a better human.

“Offer your healing to God and He will bring you in alignment with your soulmate.”

Nagpaalala rin siya na huwag maghabol sa isang relasyon, dapat ina-”attract” daw ang pagkakaroon ng magandang relasyon.

Caption niya sa huli, “Never chase. Attract. (sunflower emoji)”

Nagsimula ang “breakup rumors” nina Maxene at Rob nitong Enero, kung saan napansin ng maraming netizens na hindi na ginagamit ng aktres ang apelyido ng mister sa socmed.

Taong 2018 ikinasal ang dalawa.

Read more:

Maxene Magalona nagbigay ng ‘7 ways to move on’ pagkatapos ng breakup: ‘Grieve, cry, pray, surrender…’

Maxene Magalona kumpirmadong hiwalay na sa asawa: No date? No problem!

Maxene Magalona on how to eliminate negative energy: We need to start facing our inner demons…

Read more...