Aga Muhlach pinaiyak ni Baron Geisler: Hayuuuf!

Aga Muhlach pinaiyak ni Baron Geisler: Hayuuuf!
MAGING ang aktor na si Aga Muhlach ay hindi napigilan ang kanyang emosyon matapod mapanood ang naging pag-arte nito sa pelikulang “Doll House”.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktor ang kanyang appreciation post para sa kapwa aktor.

“DOLL HOUSE!!! You guys nailed it! @baron.geisler taas kamay! [raising hands emoji] pinahanga mo ako!” saad ni Aga.

“Dami ko iyak dito! Galing mo sobra! Sa inyong lahat na bumuo nito.. Mabuhay kayo! D ako muubusan ng sasabihin.. [raising hands, 100%, hearts emojis]” dagdag pa niya.

Bukod kay Baron ay puring-puri rin ni Aga ang child star na si Althea Ruedas.

“And that little girl! Amazing! congratulations sa inyong lahat! [clapping hands, [clapping hands, clinking glasses emojis]” sey pa niya.

Aminado rin si Aga na talaga namang naiyak siya sa pelikula at pinuri rin ang direktor na si Marla Ancheta at ang buong produksyon ng pelikula.

“Dami ko iniyak dito! Hayuuuf! Haha o siya! Bye! Oh, wait! Director @marlaancheta [clapping hands emoji] take a bow! [raising hands emoji] bravo! [clapping hands emoji]” sey pa niya.

Lubos naman ang pasasalamat ni Baron sa naging komento at papuri ni Aga sa kanyang pagganap sa pelikula.

Espesyal ito para sa kanya lalo na’t isa ang asawa ni Charlene Gonzales sa mga hinahangaan niyang aktor sa industriya.

“Wow boss @agamuhlach317 coming from you, one of the people I look up to saying this, thanks for appreciating our film,” pasasalamat ni Baron.

Pag-amin pa niya, hangad niyang makatrabaho si Aga.

“To be honest.. if you look closely mejo kumuha ako ng mga acting nyo mga mata and nuances. And it worked fmdahil ku mute ako ng konti [laughing in tears emoji] Hihihihihi… Apir!!

“Again salamat sir and God bless Idol!!!! Praying makatrabaho kayo [praying hands emojis]” saad ni Baron.

Muli namang pinuri ni Aga ang aktor sa kanyang naging reply.

“@baron.geisler I was in awe watching you perform! D ka bumitaw. Every scene you gave us something real.

“Alam na natin what we do when we work but watching you perform in this particular film.. pare kaka inspire ka! Thank you for your talent. Keep up the good work,” sambit ni Aga.

Hirit pa niya, “You’re a good man. All the best! Yes, let’s work soon! Again, congratulations! Slow clap [clapping hands emoji] boom!”

Related Chika:
#FromKontrabidaToBida: Baron Geisler puring-puri sa pagganap sa ‘Doll House’

Aga Muhlach balik sa pagiging game show host; Mariel Padilla napuyat kaka-online selling

Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’

Read more...