Jinggoy Estrada kumambiyo sa pagpapa-ban sa K-drama: Huwag naman nating balewalain ang likha ng mga kapwa nating Pilipino

Jinggoy Estrada kumambiyo sa pagpapa-ban sa K-drama: Huwag naman nating balewalain ang likha ng mga kapwa nating Pilipino

Jinggoy Estrada

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin ngayon sa BANDERA tungkol sa plano ni Sen. Jinggoy Estrada na ipa-ban ang Korean dramas sa Pilipinas para bigyang-daan ang local teleserye na mas dapat daw i-promote at panoorin ng mga Pinoy.

Marami ang nag-react sa pahayag na ito ng magiting na Ginoo sa Senado kaya kaninang umaga paggising niya marahil ay nabasa niya ang lahat ng komento tungkol dito at muli niyang ipinaliwanag ang panig niya.

Sa kanyang Facebook account ay inihayag ni Sen. Jinggoy ang saloobin niya tungkol sa mga pahayag niya kahapon sa senate hearing para sa 2023 budget ng Film Academy of the Philippines o FDCP na ang hepe ngayon ay si Ginoong Tirso Cruz lll.

“Kaugnay sa aking pahayag kahapon sa mga foreign-made shows, my statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the movie going public.

“I wish that the zealousness of our Kababayans in patronizing foreign artists can be replicated to support our homegrown talents who I strongly believe are likewise world-class. I have nothing against South Korea’s successes in the entertainment field and admittedly, we have much to learn from them.

“Pero huwag naman nating kalimutan at balewalain ang trabaho, ang mga pinaghirapan at angking likha ng ating mga kapwa Pilipino.

“South Korea’s phenomenal success is rooted in their love of country. It is high time that we follow their example and do the same for our own entertainment industry that is at best, barely surviving,” paliwanag ng senador.

Samantala, narito ang ilang nabasa naming komento mula sa netizens at karamihan nga ay kumontra sa nais ng senador.


Mula kay @Jean Lagmay Miranda, “Please Senator, pakitantanan po ang mga Korean drama. Huwag n’yo po kaming pilitin panoorin ‘yung mga ayaw namin.. Please lang mag focus at mag isip sana kayo ng paraan para mapababa ang presyo ng bilihin. ‘Wag po kung ano ano naiisip n’yo.”

Pabor naman si @Gladys A. Sims, “I understand the point of our senator, ang una muna siguro tignan dito ay yong mga kalidad ng mga ginagawang movies natin. Dapat ma-improved ayon sa panlasa ng tao/manunuod. Then yong mga artista din n gumaganap. Maraming pinoy ang mahilig sa action pero hindi patok.

“Kung may pelikulang action kc kulang na kulang sa ‘action’ at mas marami pa ang love scene. and mukhang walang originality. Thanks senator for being so nationalistic.”

Sagot ni @Esther Lanzo Hiso, “Gladys A. Sims true Yong kahit di naman talaga bagay sa kanya Yong movie or teleserye pero dahil sikat or nag trending or malakas kapit sa management s’ya yong binibigyan Nila palabas. tuloy mukhang kingkoy yong movie or teleserye damay lahat. Sa Korea kahit nga Yong mga galamay Lang patok talaga sa kanya Yong character nya Kaya kahit galamay Lang sya naalala ng Tao na-appreciate ng Tao.

“Sa Pinas kahit sino Lang kasi tapos Yong ibang kinukuha pang artista may scandal minsan bida pa hahaha pinapabango Nila ang pangalan para kuno nakalimutan na Yong scandal. hahaha e sa Korea kahit naumpisahan na at nakalahati na pag may scandal bago pa kumalat sa mga Tao tinatanggal na Nila. Kaya yong mga artista nila.takot gumawa ng scandal pinapahalagahan Yong pangalan nila.”

Ayon kay @Irene Montes ay mas may dapat pang unahin ang senador, “Barangay election d tuloy, ngayon Korean telenovela naman daming naghihirap ba’t hindi yon ang dapat bgyan ng solusyon, Sir?”

Opinyon naman ni @Aprille Ballester, “Band aid solution tawag dito, di rin nito masusulusyunan ang low quality na palabas na meron tayo ngayon. Pag isipan po natin mabuti. Instead of banning international shows why not create something na makakapag-angat sa kalidad ng pelikulang Pinoy at Pinoy dramas.

“Nakakatawa ang gobyerno, gusto natin tangkilikin ang sariling atin pero tayo mismo nag tanggal ng trabaho sa maraming Pilipino sa entertainment industry. Moving forward, kung mahal n’yo ang idustriyang Pilipino tulungan n’yo sila para maging kasing competitive sila with the international market.”

May ibang mungkahi naman si @Trisha Patreece Odlaniuga, “Ang dapat po na patupad na batas, I guess more on mental health facilities and affordable medicines to those mentally challenged who cannot afford it. And proper allocation to us as mental health professionals. Di yung binabarat kami mga tao porket helping professional’s kami. Or alisin ang age limit sa seniors na kaya pa mag work para di magbayad sa K dramas Netflix at may sense of fulfillment pa din sila po nuh.  Senator Jinggoy Estrada, pasintabi po pero real talk.”

Say naman ni @Jed Acayan, “Instead of forcing us to watch garbage, and penalizing those who produce quality, why not give incentives to the local industry? Do your job.”

Jake Ejercito, Jinggoy Estrada tanggap ang pagkakaiba ng pananaw sa politika

Darryl Yap ipinagtanggol si Jinggoy Estrada: Wag po tayong magpadala sa screenshots kuno

Jake lalaban para kay VP Leni; Jinggoy game pa rin sa showbiz at public service

Read more...