MAY kailangan munang patunayan si Andi Eigenmann bago matanggap ng pamilya ng pinakamamahal niyang lalaki – ang anak ni Mayor Erap Estrada na si Jake Ejercito.
Inamin ng bida sa seryeng Galema: Anak Ni Zuma ng ABS-CBN na wala pa rin silang seryosong relasyon ni Jake dahil marami pa raw siyang mahahalagang bagay na dapat gawin para sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya at pati na rin kay Jake.
Sey ni Andi, sa ngayon ay hindi pa talaga sila pwedeng maging magdyowa ng anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez, pero ayaw na niyang idetalye ang mga rason.
Basta aniya, natutuwa siya dahil maayos na uli ang samahan nila ng binata at tuluy-tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon kahit na nasa ibang bansa ito para mag-aral.
Sa interview ng The Buzz kay Andi noong Linggo sinabi nito na wala naman daw “deadline” o time limit na ibinigay sa kanya para “patunayan niya ang kanyang sarili”.
“Hindi siya natatapos, hindi pa siya natatapos but that’s okay with me. What I mean is gusto ko pong patunayan yung sarili ko na seryoso po ako sa trabaho ko.
Na mahal ko po ang trabaho ko and I’m not here para makabuo ng ibang buhay na hindi naman talaga kasali sa akin,” sabi pa ni Andi.
Sa pagkakaalam namin, kailangang walang ma-link na ibang lalaki sa kanya at kailangan din na hindi siya ma-involve sa anumang kontrobersiya o iskandalo.
Kung matatandaan, agad-agad na dinenay ni Andi na siya ang dahilan ng hiwalayang Nikki Gil at Billy Crawford. Sabi ng aktres, ayaw kasi niyang masira na naman ang “relasyon” nila ni Jake nang dahil sa maling paratang.
Samantala, siniguro naman ni Andi na magkaibigan lang sila ng kanyang ka-loveteam sa Galema na si Matteo Guidicelli, matagal na silang friends ng binata, simula pa noong magbida sila sa seryeng Agua Bendita.
“I guess that just goes to show na nu’ng time nga na yun bata pa kami even yung relationship namin, walang ano yun, platonic lang talaga,” sey ng dalagang ina.
Pero ayon kay Andi, hindi naman sa hindi niya type si Matteo, pero talagang iba lang ang itinitibok ng puso niya, “I guess yung samin naman ni Matteo kahit na walang boyfriend or girlfriend kami nu’n.
Hindi naman sa hindi namin type ang isa’t isa pero hindi naman po ibig sabihin na just because we work together we have to fall in love with each other.”
( Photo credit to Google )