HOROSCOPE October 01, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Unang araw ngayon ng Oktubre. Kung magsisimba, magsuot ng yellow na damit upang maakit ang suwerte sa pinansyal at pag-ibig. Kung sawa ka na sa yellow, buenas din ang red at pink. Mapalad ang 4, 19, 25, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit”     
Aries – (Marso 21-April 19)—Kausapin ang taong nakasamaan ng loob makipag-bati. Sa ganyang paraan, gaganda ang pasok ng Holiday Season. Sa pinansyal kapag wala kang kagalit lalo kang susuwertehin. Sa pag-ibig panatiliin ang pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 3, 9 18, 24, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— May babala ng karamdaman! Ingatan ang kalusugan, tigilan ang katakawan! Wag nang  bumili ng mga pagkaing may food color at may preservatives. Sa pag-ibig, kapag hindi ka muling nagpa-sexy, sige ka, baka maghanap ng iba ang kasuyo. Mapalad ang 3, 6, 14, 31,33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Om-Dosha.” Maroon at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kahit hindi panahon ng eleksyon kailangang tumulong ka sa iyong kapwa. Habang isinasagawa ang serbisyo publiko,  kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang tumutulong sa kapwa ng bukal sa loob, kusang darating ang true love.  Mapalad ang 2, 11, 19, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Om.” Red at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  ‘Wag masyadong mabahala sa future. Wag alalahanin bukas, gawin ang pinaka-the-na magagawa sa araw na ito. Sa pag-ibig, yakapin ng mahigpit ang kasuyo at mga mahal sa buhay, ito ang huling araw upang ipadama ang iyong pag-ibig.  Mapalad ang 7, 18, 26, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Pagdating ng bahay bulungan ng “I love you” ang kasuyo, upang muling iinit ang malamig na relasyon. Sa pinansiyal, tandaan ang basic principle: “Habang may pagmamahalan sa tahanan, patuloy ang dating ng magandang kapalaran.”. Mapalad ang 5, 19, 23, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Lutasin na agad ang problema bago pa ito lumala. Sa pinansiyal, wag ng hintaying lumaki  ang tubo at penalty ng iyong mga utang, magbayad na agad. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong Taurus na magtipid-tipid naman. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.
Libra – (n siya. Sa pinansiyal, talagang ganon wala talagang ibang maasahan kundi ang sarili mo. Dagdagan pa ang pagsisipag upang umunlad. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ngayon palang paghandaan na ang iyong nalalapit na kaarwan. Tipid lang ang kailangan upang may magamit na pang-gastos sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 8, 15, 23, 28, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Isarado ang bibig at manahimik! Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate. Sa pag-ibig, laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Mapalad ang 7, 11, 25, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Egosum-Om-Obre-Om.” Pink at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansiyal, tuloy ang pag-angat ng kita, ngunit nakakataka kung bakit hindi ka lubusang masaya? Sa pag-ibig, tama ang iyong sapantahan, sa isang Cancer matatagpuan ang ganap na ligaya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Paghandaan ang kapaskuhan! Wag na uling pagtaguan ang mga inaanak. Kung ikaw kaya ang pagtaguan, anong lungkot ang iyong mararamdaman! Ngayon palang mag-ipon ka na ng ibibigay sa mga inaanak. Mapalad ang 1, 23, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Aum.” Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Kung hindi ka lalapit sa isang kandidato, paano mo malulutas ang problema? Sa pag-ibig, bahaginan ang kasuyo ng anomang grasya na natanggap sa isang kandidato uto-uto. Mapalad ang 2, 11, 26, 28, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra:  “Veda-Jahur-Jahur-Veda”. Blue at white ang buenas.

Read more...