5 bagong hari kinoronahan sa Misters of Filipinas pageant

Misters of Filipinas

Kasama ni newly-crowned Misters of Filipinas-Man of the World James Reggie Vidal (gitna) ang kapwa winners na sina (mula kaliwa) first runner-up Gerald Fullante, Misters if Filipinas-Fitness Model World Michael Angelo Toledo, Misters of Filipinas-Model Worldwide Zach Pracale, Misters of Filipinas-Man Hot Star Jovy Bequillo, Misters of Filipinas-Super Globe Marc Raeved Obado, at Second runner-up Pedro Red./ARMIN P. ADINA

 

LIMANG bagong hari ang hinirang sa pagtatapos ng 2022 Misters of Filipinas pageant sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts sa Pasay City, Okt. 16, lahat bitbit ang tungkuling iwagayway ang watawat ng bansa sa iba’t ibang international competitions.

Kinironahang Misters of Filipinas-Man fo the World si James Reggie Vidal ng Ormoc City, Misters of Filipinas Model Worldwide naman si Zach Pracale ng Laguna.

Napunta ang titulong Misters of Filipinas Man Hot Star International kay Jovy Bequillo ng Naha City, habang kay Michael Angelo Toledo ng Cebu City naman iginawad ang korona bilang Misters of Filipinas Fitness Model World.

Binuo ni Misters of Filipinas Super Globe Marc Raeved Obado ng Tuburan, Cebu, ang hanay ng mga hari ngayong taon.

Hinirang na first runner-up si Gerald Fullante ng Camarines Sur, at second runner-up naman si Pedro Red ng Nueva Ecija.

Tinipon sa patimpalak ang 34 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa, at sa mga pamayanang Pilipino sa Estados Unidos at Kaharian ng Saudi Arabia.

Misters of Filipinas-Man of the World James Reggie Vidal from Ormoc City/ARMIN P. ADINA

Mula nang mabuo noong 2013, ibinandera ng national male competition ang husay ng Pilipino sa iba’t ibang pandaigdigang patimpalak, at inuwi ng mga hari nito ang unang panalo ng Pilipinas sa kani-kanilang mga paligsahan—sina 2014 Mister International Neil Perez, 2016 Man of the Year Karan Singhdole, 2018 Mister Tourism Universe Ion Perez, 2018 Mister Model Universe Carlo Pasion, 2019 Mister Tourism and Culture Universe Yves Campos, at 2022 Runway Model Universe winner Junichi Yabushita.

Maliban kay Bequillo na sasabak sa Man Hot Star International contest sa Thailand ngayong taon, sa 2023 pa lalaban sa kani-kanilang international competitions ang ibang mga hari

Ang Prime Event Productions Philippines (PEPPS) Foundation Inc. ang organizer ng taunang patimpalak. At para sa ikasiyam na edisyon ngayong taon, katuwang nito ang Ormoc City-based na household and personal products marketing company na WELLife.

Read more...