Akihiro Blanco pahinga muna sa BL projects; wish makatrabaho sina Sarah, Nadine at Anne

Akihiro Blanco pahinga muna sa BL projects; wish makatrabaho sina Sarah, Nadine at Anne

Akihiro Blanco

LOOKING forward ang aktor na si Akihiro Blanco sa mga bonggang projects na ihahanda ng Viva Entertainment para sa kanya sa mga susunod na buwan.

Last Tuesday, October 10, ay pumirma na ng kontrata ang binata sa Viva Artists Agency at ngayon pa lang ay excited na siyang makatrabaho ang mga pambatong celebrities ng film outfit ni Boss Vic del Rosario.

Sa mga hindi pa aware, nadiskubre si Akihiro noong 2012 sa artista search ng TV5 na “Artista Academy” hanggang sa makagawa na rin siya ng mga pelikula at teleserye.

Ang launching project niya ay napanood noong 2013, ang coming-of-age love story na “Mga Alaala ng Tag-Ulan” at sinundan pa ng mga episodes ng Wattpad Presents sa TV5.

Dito, nakasama niya ang mga kaibigang sina Donnalyn Bartolome at Ella Cruz. Nakasama rin siya sa ilang ABS-CBN shows tulad ng iWantTV series “Spirits: Reawaken” (2018) at “Killer Bride” (2019).


Nagmarka naman nang bonggang-bongga si Aki sa 2019 LGBTQIA+ movie na “Born Beautiful” kung saa gumanap siyang ex-lover ng karakter ni Martin del Rosario na gumanap namang transwoman.

At ngayong nasa VAA na ang aktor, siguradong mas maipakikita pa niya sa publiko ang kanyang versatility. Ayon kay Aki, ang content creator at aktres na si Donnalyn Bartolome ang kumumbinsi sa kanya na lumipat sa Viva.

Sa virtual mediacon matapos ang pagpirma ni Aki ng kontrata sa VAA,  natanong namin siya kung handa na ba siyang sumabak sa sexy at daring projects.

“Pwede naman but I’d like to see muna yung story and script. Pero kung todong paghuhubad, tingnan natin. About BL (boy’s love o LGBTQIA+), nakagawa naman ako niyan before sa ‘Born Beautiful’.

“As of now, I just want to do muna sana romcoms or dramatic love stories like ‘A Walk to Remember’ or ‘The Notebook’.

“I’m also excited to work with the other Viva artists who I haven’t worked with like Nadine Lustre, Sarah Geronimo and Anne Curtis,”  pahayag ng binata.

Natanong din siya kung hindi ba siya nababagalan sa takbo ng career niya lalo’t 10 taon na siya ngayon sa showbiz.

“Hindi naman kasi di naman ako nawawalan ng ginagawa. Kahit may pandemic, I do guestings in drama shows like ‘Maalaala Mo Kaya’ and ‘Tadhana’.

“I also put up my own business. I have a coffee shop and I have a partner sa isang bar in Pasig. But acting is my passion at mahal na mahal ko ito so hindi ko ito maiiwan.

“Okay lang for me ang takbo ng career ko at mahaba talaga ang pasensiya ko.

“Now na nasa Viva na po ako, gusto ko pa ng maraming work and do roles I’ve not done before. Kinakabahan ako, but I’m also so excited to explore what I can do with Viva.

“In preparation, I work out everyday to be in good shape. Sa showbiz kasi, it’s also a matter of right timing.

“Basta dapat, huwag kang mawawalan ng pag-asa at matuto kang laging makisama sa lahat, from your co-stars, the production staff and the rest,” sabi pa ni Aki.

Paulo walang ibang hiling kundi ang makasama ang anak kay LJ: And be with you growing up…

Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?

Rico Blanco: Hindi ako nahihiyang aminin talaga na all these years I love to act

Read more...