Liza Soberano naging inspirasyon ng baguhang child star na si Geanne Cañete para pasukin ang showbiz

Geanne Cañete at Liza Soberano

PROMISING ang bagong child star na si Geanne Cañete na nakilala namin kamakailan sa presscon ng launching movie niyang “Leilaira.”

Isa siya sa mga dumaraming talents ngayon ni Dudu Unay na siya ring tumutulong sa showbiz career ng Kapuso hunk actor na si Royce Cabrera na napapanod ngayon sa “Start-Up PH.”

Ang dati namang alaga ni Dudu Unay na si Liza Soberano ang naging inspirasyon ni Geanne sa pagpasok niya sa showbiz. Nang dahil daw kay Liza ay talagang kinarir niya ang pagwo-workshop.

“Noong maliit ako, naging idol ko po si Liza Soberano. Siya ang nag-inspire sa akin na maging artista. Noong nakita ko siya sa TV, sabi ko, ‘Wow, gusto ko ring maging katulad niya.’ Gusto ko ring maging isang artista,”

Sa teleseryeng “Bagani” ng ABS-CBN niya unang napanood si Liza, “That time po hindi ko po alam na alaga siya ni Tito Dudu, tapos talagang sinubaybayan ko na po yung TV series nila ni Kuya Enrique Gil.”

“Gusto kong maging katulad niya. Magpapa-picture ako sa kanya kasi siya talaga ang nag-inspire sa akin. Gusto ko siya kasi magaling siyang umarte,” sabi pa ng bagets.

Sumailalim sa training si Geanne para mas mahasa pa ang kanyang talent sa singing, dancing and acting sa Keys Music Studio Talent Center saTagum City, Davao del Norte sa ilalim ni Ronnie Luma na siyang tumayong assistant director ng “Leilaira”.

Siya raw talaga ang napiling bumida sa pelikulang “Leilaira” para gumanap sa papel na pulubi na inampon at napasok sa child labor.


Ang “Leilaira” ay isang advocacy film na idinirek ng aktor na si Lester Llansang na huling napanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Chika ni Geanne about her movie, “Masaya po ko na bida ako sa movie. Mabait pong bata si Leilaira. Kahit pulubi siya, matulungin po siya.

“At kung ano man ang kanyang special gift, ‘yun talaga po ang dahilan bakit ispesyal siyang bata,” sabi pa ni Geanne na sa murang edad ay ang galing-galing nang magsalita at sumagot sa mga tanong ng press.

Kaya nasabi namin na may magandang future ang bagets kapag kinarir niya ang pag-arte at kapag nabigyan pa ng magagandang projects in the future.

Ipalalabas na ang “Leilaira” Historical Theater sa Tagum simula sa October 22. Kasama rin dito ang kambal na sina Huessette Ruela at Zuessette Ruela, Mohaira Sanama, Christian Villadores, Prince George Gonzales, Bernadith Jimenez, Ramil Awi, Pica Mabitag at Jero Lobena.

Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Liza may mas matinding dahilan kung bakit gustong magka-career sa US; paano na nga kaya si Enrique?

 

Read more...