Lovelife hugot ni Dominic Roque: Hindi naman porke superstar si Bea ay mahirap na siyang maging karelasyon

Lovelife hugot ni Dominic Roque: Hindi naman porke superstar si Bea ay mahirap na siyang maging karelasyon

Dominic Roque at Bea Alonzo

WALANG diretsahang sagot ang actor-entrepreneur na si Dominic Roque nang matanong tungkol sa wedding plans nila ni Bea Alonzo.

Ayon sa binata, nakikita niyang sila na ni Bea ang magkakasama habangbuhay pero hindi wala siyang binanggit hinggil sa pagpapakasal.

“We’re super okay and we see the future together so, I think, maganda and we’re happy,” ang pahayag ng hindi na gaanong aktibong aktor sa isang panayam.

May nagtanong naman sa binata kung mahirap bang maging karelasyon ang tulad ni Bea na isang sikat na celebrity at itinuturing nang malaking bituin sa industriya ng telebisyon at pelikula,


Sabi ni Dominic, balanse naman ang relasyon nila ng Kapuso actress at patuloy na nagiging solid ang kanilang samahan dahil kabisado na nila ang ugali ng isa’t isa.

“Hindi naman porke’t superstar si Bea, mahirap nang maging karelasyon.

“Kailangan lang naming hanapin ‘yung zen namin together para maging okay kami. So far, okay kami,” paniniguro ng binata.

Ang wish naman ni Dom para sa darating na birthday ni Bea (sa October 17), “Wish ko sa kanya to have a better health kasi lahat naman tayo hindi makakakilos kapag hindi maganda. Sa families namin, masaya kami palagi.”

* * *

Winner na winner pa rin sa ratings game ang GMA Afternoon Prime series na “Return To Paradise”.

Sa ika-50 episode ng nasabing programa, matatandaan na hindi pa rin napigilan ni Amanda (Eula Valdes) na mangulila sa kanyang nag-iisang anak na si Eden (Elle Villanueva).

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang kanilang plano ni Lucho (Allen Dizon) sa pagpapabagsak sa pamilya Ramos.


Humingi naman ng tawad si Red (Derrick Monasterio) kay Eden dahil sa kanyang mga pagkukulang at nangakong mas magiging matatag silang dalawa.

Samantala, nag-iisip naman si Rina ng plano laban kay Amanda para sa kung anuman ang inihahanda sa kanya ng huli.

Sa episode na ito, nakapagtala ang “Return To Paradise” ng 8.6 percent ratings, base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Patuloy na tutukan ang mga kaganapan sa “Return To Paradise”, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Enchong patuloy na sinusuwerte sa negosyo; namahagi ng ayuda sa 600 pamilya

Direktor ng Pinoy version ng ‘Start-Up’ ikinumpara sa alak si Bea; personal na nasaksihan ang ‘magic’ ni Alden

#Ouch! Kris nilaglag si Herbert; napa-aray sa sinabi ni Angel tungkol sa pakikipagrelasyon

Read more...