#BoyingResign: Netizens galit kay DOJ Chief Remulla matapos mahulihan ng ‘high-grade’ marijuana ang anak

DOJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla

FILE PHOTO: DOJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla | Boying Remulla’s official Facebook page

TRENDING sa Twitter ang “#BoyingResign” at “#BoyingRemullaResign” na kung saan nanawagan ang maraming netizens na bumaba na dapat sa kanyang pwesto si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Dahilan ito ng pagkaka-aresto ng kanyang anak na si Juanito Jose Diaz Remulla III na nahulihan ng marijuana sa Las Piñas City nitong Martes, Oct.11.

Sabi ng isang netizen na walang “delicadeza” si Sec. Boying at hindi na dapat pagkatiwalaan.

“If Remulla chose to remain in his post as justice secretary while his son was arrested for possession of illegal drugs, he would be considered immoral, wala siyang delicadeza.

“A justice secretary who lacks delicadeza is untrustworthy,” aniya.

Galit na galit din itong isang netizen at sinabing, “that is complete BS! Imagine being the justice secretary pero hindi mo alam na sarili mong anak adik, and keeps on red tagging innocent people.”

May tweet pang sinabihan na makapal ang mukha ng kalihim.

Sey ng netizen, “the current DOJ Secretary (1) Doesn’t pay respect to the National Anthem (2) A bonafide Liar (3) Corrupt politician (4) Father of a big time Drug Pusher! Pero makapal ang mukha nyan hindi mag re-resign!”

Base sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ay nahuli ng kanilang miyembro ang anak ng DOJ chief matapos niyang kunin ang parcel na naglalaman ng “high-grade” marijuana o “kush” sa isang bahay sa BF Resort Village.

Isang kilo ng kush ang laman ng parcel at nagkakahalaga ito ng mahigit isang milyong piso.

Sa isang handwritten statement ng kalihim nitong Huwebes, Oct. 13, sinabi niya na hindi siya makikielam sa kaso ng kanyang anak.

“We all know about unconditional love, but at 38 years old, he will have to face his predicament as a fully emancipated child. 

“I have to abide by the oath of office I took when I assumed this position,” sabi sa pahayag.

Aniya, “I will respect the justice system.

“And I wish my son a path to redemption.”

Pauwi pa lang galing sa Geneva, Switzerland ang DOJ chief, kung saan dumalo siya sa meeting ng United Nations Human Rights Council upang depensahan ang anti-drug war ng Duterte administration, pati na rin ang human rights record ng gobyerno.

Pati si Cavite Governor Jonvic Remulla ay naglabas na ng “official statement” na sinasabing hindi rin niya tutulungan ang kanyang pamangkin.

“I personally feel that while he deserves all of my empathy, there will be no support extended in terms of using my position in government. 

“While he is family, my oath as Cavite Governor and as a Public Servant is paramount above any of his alleged transgressions,” sabi niya.

Nagbabala din siya sa kanyang pamilya na ibubunyag niya mismo sa publiko ang sino man sa kanila na tutulong sa kaso ng kanyang pamangkin.

Sey niya, “if in any way, any family member who tries to influence the prosecution of this case then I will make sure to expose the matter right way. 

“We will not tolerate an abuse of authority in any way.”

Kapwa nagpasalamat din ang magkapatid na Remulla sa PDEA sa pagganap sa kanilang tungkulin na walang takot o walang pinapaboran.

Read more:

Christopher de Leon: Nalulong ako sa masamang bisyo, I was taking all the drugs…

Roman Perez sa paggawa ng ‘Sitio Diablo’ na hango sa war on drugs: Madaling makalimot ang mga Pilipino

Hugot ni Maxene: No amount of unhealthy distractions such as alcohol, drugs, parties, sex, porn can save you from your inner demons

Read more...