ISA nanamang panalo ang nakuha ng ating pambato na si Binibining Pilipinas Miss Globe Chelsea Fernandez.
Nagwagi siya sa pre-pageant event ng Miss Globe 2022 na “head-to-head” challenge!
Sa Instagram ay masaya niya itong ibinandera at sinabing hindi siya makapaniwala sa kanyang narating.
Sey niya sa isang IG post, “As someone who used to be afraid of public speaking, I couldn’t believe how far I’d come in expressing my causes and what I believe in with people across the globe.
Dagdag pa niya, “Admittedly, the head-to-head challenge was nerve-wracking but one of the books.
“We made it, Philippines. We won the Head to Head challenge.”
Sa “head-to-head” challenge ay tinatalakay ng mga kandidata ang kani-kanilang mga adbokasiya.
Kasalukuyang isinusulong ni Chelsea ang “youth empowerment” advocacy, at ang goal niya riyan ay mahimok ang mga kabataan na mag “volunteer” sa humanitarian organizations, lalong-lalo na sa pagprotekta ng kalikasan.
Nag-post din sa social media ang Binibining Pilipinas Organization at proud na sinabing tunay na “beauty and brain” ang panalo ni Chelsea.
Ayon sa post, “Congratulations again on your win at the Miss Globe ‘Head to Head Challenge.’
“You are indeed a Binibini of beauty and brains.”
Matatandaang noong October 6 nang ibinalita ni Chelsea na siya ay nakapasok sa final round ng Miss Globe Talent Competition.
Samantala, Sa October 15 na ang coronation night ng Miss Globe 2022 na gaganapin sa Tirana, Albania.
Si Maureen Montagne ng Batangas ang reigning Miss Globe 2021.
Read more:
Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez ibabandera ang bansa sa Albania
Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandez: ‘Back-to-back is hard, but not impossible’