‘May topak ka’: Bianca Gonzalez may swabeng bwelta sa bastos na basher
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Bianca Gonzalez
WALANG patumanggang tinawag na “may topak” ng isang basher ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez.
Nitong nagdaang Lunes, October 10, ginunita ang World Mental Health Day at isa nga si Bianca sa mga celebrities na nakiisa sa makabuluhang event na ito.
Ayon sa TV host at kilalang mental health advocate, naniniwala siya na kailangang mas mapag-usapan at mas maging aware ang publiko tungkol dito lalo na’t may mga tao pa ring “insensitibo” at walang pakialam sa isyung ito.
At kasabay nga ng pagdiriwang ng World Mental Health Day ni-launch ni Bianca ang serye ng vlog sa kanyang YouTube channel kung saan tatalakayin niya ang ilang mental health issues.
“‘Kanino ko pwedeng sabihin at paano? Hindi ko masabi, kasi baka maging pabigat lang ako.’ On #WorldMentalHealthDay, I’m launching a new #PaanoBaTo Series: You Matter First episode,” ang pahayag ni Bianca.
Marami namang nangako sa TV host na susuportahan nila ang proyekto niyang ito kasabay ng pagpapasalamat sa patuloy niyang pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon about mental health.
“Salamat Bianca sa effort. Kailangang kailangan ng bansa natin ang ganyang campaign.”
“Thank you for helping break down the stigma attached to mental health.”
“Consistent. Thank you for this, Bianca!”
“Ikaw na talaga Bianca! Maraming salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa bayan.”
“Yes, napapanahon na po!”
Pero sa gitna nga ng makabuluhang pagtulong ni Bianca sa mga taong may problema sa kanilang mental health, may ilan ding nambasag sa kanya tulad ng isang bastos na netizen.
“Bagay na bagay sa ’yo kasi may topak ka na…” ang komento ng hater kay Bianca.
Ni-retweet ni Bianca ang malisyosong comment ng netizen at sinabing ito ang isa sa mga rason kung bakit dapat talagang magkaroon ng mental health awareness sa Pilipinas.
Aniya, napakarami pa rin kasing gumagamit ng mga masasakit na salita laban sa kanilang kapwa tulad nga ng “topak”.
“Absolutely why we need to keep talking about mental health. When people dismiss the topic as ‘topak’ and other derogatory, unnecessary, harmful terms,” ang tweet ni Bianca.
Kinuyog naman ng mga Twitter followers ng TV host ang nasabing basher habang ang ilan naman ay nagpayong huwag na lang niyang pansinin ang mga taong walang respeto at malasakit sa kanilang kapwa.