Liza Diño nakapagpa-picture sa 2 sikat na Korean actor sa Busan, celebrity friends inggit na inggit: ‘OMG! Sorry na!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Liza Dino, Park Hae-soo at Jung Hae-in
SANDAMAKMAK ang napa-wow at marami ding nainggit nang makita ang mga litrato ni dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño kasama ang ilang Korean superstars.
Kahit kami ay napa-comment talaga sa Facebook at Instagram post ni Liza kung saan makikita ang pakikipag-bonding niya sa mga kilalang artista sa South Korea.
Nagpunta roon si Liza para dumalo sa Busan International Film Festival 2022.
Ibinahagi ng aktres at dating beauty queen sa kanyang FB at IG ang photo niya with “Squid Game” actor Park Hae-soo at ang bonggang litrato niya kasama ang Korean heartthrob na si Jung Hae-in.
Aniya sa caption, “Jung Hae-in at the Marie Claire Asia Star Awards. He took my phone and said, ‘Let me take our selfie.’ Aww, super nice niya.”
Pag-amin naman ng asawa ni Ice Seguerra sa isa pa niyang post, “Not yet as familiar with Korean stars but I’ve seen Squid Game so yeah, hello there Park Hae-soo.”
Bumuhos naman ang mensahe ng “pagkainggit” mula sa kanyang IG at FB followers at celebrity friends kabilang na sina Sylvia Sanchez, Jeffrey Hidalgo, Beverly Salviejo, Arlene Muhlach at marami pang iba.
Reaksyon naman ni Liza, “Omg, I didn’t know he is super famous! Sana pala nagpavideo greet ako. Sorry naaaa!”
Wala nang kinalaman sa FDCP ang pagpunta ni Liza sa Busan, naroon siya para i-represent ang mga young producers sa Pilipinas at bilang “industry mentor” sa industriya ng pelikula.
Ayon pa sa dating chairperson ng FDCP, “As I officially take on the next chapter of my life, still doing what I love—championing Philippine cinema in the global space—- I take with me the hopes and dreams of the Filipino filmmakers I now represent to make global quality projects that will take us to the next level.”