PALABAN pala ang mga taga-QC pagdating kay Pop Superstar Taylor Swift!
Alam niyo ba mga ka-bandera, lalong-lalo na ‘yung mga “Swifties” diyan, kabilang ang Quezon City sa “top listeners” ng international artist.
Ibinunyag ‘yan mismo ng streaming app na “Spotify” sa isang social media post.
Base pa nga sa report mula September 27 hanggang October 4, pang lima ang QC sa top 13 na listahan.
Makikita rin sa post na worldwide ang ranking para sa “top listeners,” kung saan nangunguna ang London.
Karamihan din sa listahan ang ilang siyudad sa Amerika at Australia.
Saad pa sa Tweet, “Last week, these 13 cities were the biggest Taylor Swift listeners in the world.
“Will your city be #1 when the clock strikes midnight?”
Last week, these 13 cities were the biggest Taylor Swift listeners in the world. Will your city be #1 when the clock strikes midnight? 👀🕛 #TSmidnighTS pic.twitter.com/mDolFn0cL2
— Spotify (@Spotify) October 6, 2022
Heto ang kumpletong listahan:
-
London
-
New York
-
Sydney
-
Melbourne
-
Quezon City
-
Chicago
-
Los Angeles
-
Sao Paulo
-
Mexico City
-
Singapore
-
Atlanta
-
Brisbane
-
Dallas
Sa susunod na linggo, Oct. 21, nakatakdang ilabas ni Taylor ang kanyang bagong album na “Midnights.”
13 tracks ang laman ng upcoming album at una niyang sinabi na sinasalamin nito ang mga kwento ng kanyang “sleepless nights.”
Saad niya sa dating post, “Midnights, the stories of 13 sleepless nights scattered throughout my life, will be out October 21.”
Read more:
True ba, Taylor Swift nakipag-date sa ‘Train To Busan’ actor na si Gong Yoo sa Amerika?
Jake Zyrus nadamay sa “All Too Well” ni Taylor Swift
Taylor Swift ‘winasak’ ang puso ng netizens sa ‘Red (Taylor’s Version)’