Donny Pangilinan, Belle Mariano at JC Alcantara
“ANG hirap pala so kailangan maging aware ako. Ayokong mapahamak ‘yung pino-portray kong role.”
Yan ang pagbabahagi ng Kapamilya young actor na si JC Alcantara kaugnay ng ipinagkatiwala sa kanyang karakter sa pelikulang “An Inconvenient Love” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano mula sa Star Cinema.
Dito, gagampanan ni JC ang karakter ng isang binatang may autism spectrum disorder (ASD) at inamin nga niya sa panayam ng ABS-CBN na hindi naging madali ang journey niya sa bagong pelikula ng Star Cinema.
“Hindi siya joke na i-portray kasi ang dami mong ipi-prepare. May pinsan akong ganu’n. Habang ina-acting ko, naiiyak ako.
“Ang hirap pala so kailangan maging aware ako. ‘Direk, okay ba ‘to? Tama ba ‘to?’ Kasi ayokong mapahamak ‘yung pino-portray kong role. Ayun, naging okay naman. After nu’ng taping namin, kalmado na ako,” lahad ng binata.
Dagdag pa niya, kahit nahirapan siya sa nasabing role, natutuwa at nagpapasalamat siya nasa kanya napunta ang project dahil alam niyang makakatulong siya sa awareness campaign tungkol sa ASD.
“Masaya na mag-portray ng role na ganoon, kasi alam naman natin na maraming may kondisyong ganito. Kailangan talaga maging maingat tayo sa mga pino-portray nating roles at kailangan panindigan natin ito nang maayos, nang mabuti,” aniya pa.
Nauna rito, ibinandera nga ng Star Cinema na ang pelikulang ito nina Donny at Belle ang unang project nila na ipalalabas sa mga sinehan mula nang magkaroon ng pandemya.
Ayon sa socmed post ng Star Cinema tungkol sa magiging role ng DonBelle sa movie, “Donny will portray the role of Manny who is a 22-year-old owner of HalaManny, a boutique plant shop near 24-Ever. He is a businessman by day and a secret social activist by night, fighting alongside the workers of Siena Corp, a company his father owns.
“Out of all Manny’s responsibilities, there’s nothing more important to him in this world than his brother, Dobs, who has autism spectrum disorder (ASD). Manny has taken it upon himself to be the ‘glue’ that holds his dysfunctional family together.
“Belle will play the role of Ayef, a graduating student and aspiring international animator who works part-time at a convenience store named 24-Ever. One thing we have to remember about her: she takes her goals seriously.
“Ayef’s main priority is to land an internship in a prestigious animation company in Singapore. To achieve her dream, Ayef is determined to make no room for inconveniences, especially the biggest inconvenience of all: love,” sabi pa sa post ng Star Cinema.
https://bandera.inquirer.net/297900/marco-choosy-na-sa-pagpili-ng-dyowa-ayokong-magsayang-ng-oras-at-pera