Winwyn Marquez may pa-face reveal ng non-showbiz fiancé sa binyag ni Baby Luna

Winwyn Marquez may pa-face reveal ng non-showbiz fiancé sa binyag ni Baby Luna

SA unang pagkakataon ay ibinandera ng beauty queen-actress na si Winwyn Marquez ang kanyang non-showbiz fiancè.

Ito ay naganap nang binyagan ang kanilang five-month-old baby na si Luna Teresita Rayn.

Bininyagan ang baby girl nina Winwyn at ng kanyang non-showbiz fiancé nitong Biyernes, October 7 sa Sacred Heart of Jesus sa Muntinlupa.

Ilan sa mga celebrities na um-attend sa binyag ang nagbahagi ng larawan sa naganap na baptism ni Baby Luna sa kanilang Instagram accounts.

Ilan na nga rito sina Rodjun Cruz at Enzo Pineda na ilan sa malalapit na kaibigan ni Winwyn.

Mapapansin sa mga larawan na kasa-kasama ni Winwyn ang lalaking nakaputi at ito rin ang may hawak kay Baby Luna.

Base rin sa mga posts ay Rayn ang pangalan ng kanyang non-showbiz fiancé.

Bago pa man ang binyag ay hindi ipinapakita ni Winwyn ang itsura ng kanyang future husband.

Kaya naman maraming lumabas na chika kung bakit nga ba tila itinatago ng aktres ang ama ng kanyang anak gaya ng marahil ay “may sabit” raw ito kaya hindi niya maipakilala sa publiko.

Ngunit itinanggi naman ito ni Winwyn at ng lalaki sa vlog nito noong Abril.

Bagamat naka-blur ang mukha ay tahasan nitong sinabi na wala siyang ibang pamilya.

“Just for the sake of clarifying, wala akong ibang anak. Wala rin akong ibang asawa o partner,” sabi ng fiancé ni Winwyn.

Nais lang rin daw nila na huwag maapektuhan ang kanyang probadong buhay lalo na at hindi naman siya piblic figure.

“There’s certain things lang na still nice to keep private. So, as much as possible that you can keep it, maganda na maki-keep mo siya,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Winwyn na gusto lang nila ng privacy at makikilala rin ng publiko ang ama ng anak soon.

At mukhang ito na nga ang “in time” na sinasabi ng aktres sa kanyang vlog.

Samantala, noong May 2022 naman nang kumpirmahin ni Joey Marquez na engaged na si Winwyn at Rayn.

Related Chika:
Joey kay Winwyn: Sabi ko bumalik ka na sa trabaho at ako na ang mag-aalaga sa apo ko

Winwyn first time mag-celebrate ng birthday bilang ina, sinabing ‘greatest gift’ niya si Baby Luna

Winwyn bilang nanay: Nakaka-miss yung hawak ang sarili mong oras pero hindi ko ipagpapalit yung time ko ngayon kay Luna

Read more...