‘Hindi dapat sumasali sa isang kaso kung sa tingin niya ay iba ‘yung kanyang opinyon’ — Atty. Ferdinand Topacio

Atty. Ferdinand Topacio: 'Hindi dapat sumasali sa isang kaso kung sa tingin niya ay iba ‘yung kanyang opinyon'
TRENDING si Atty. Ferdinand Topacio nitong Biyernes dahil nagbitiw na siya bilang abogado ni Deniece Cornejo sa rape case nito laban kay Vhong Navarro.

Marami kasi ang nagulat kaya kaliwa’t kanan ang humihingi ng panig niya kahit may statement na siya kay ABS-CBN reporter Nico Baua nitong Huwebes ng gabi.

Isa si Julius Babao sa nakausap ni Atty. Topacio through “UNPLUGGED” YouTube channel nila ng asawang si Tintin Bersola-Babao.

Unang tanong ni Julius ay kung bakit nagbitiw na si Atty. Ferdie.

“Hindi po tayo bumitaw sa legal team, doon lang po tayo dumistansiya sa prosecution po ng rape case sapagkat ako po ay naniniwala sa kasabihan na ‘too many many cooks spoil the broth,” bungad ni Atty. Topacio.

Ang dahilan umano ng pagkalas ni Atty. Topacio ay dahil bumalik na ang dating legal counsel ni Deniece na si Atty. Howard Calleja na humawak ng kaso nila ni Cedric Lee noong 2014.

“Nandidiyan naman na si Atty. Howie Calleja na kaibigan ko rin at isang magaling na trial lawyer na siya po ang pumasok to act as private prosecutor,”sabi nito.

Bawa’t abogado ay may kanya-kanyang ideya pagdating sa prosecution (trial) at si Atty. Calleja na ang head nito pagdating sa korte.

“Mas magaling po sa kliyente namin na isa lang ang kumukumpas at nagtitimon sa isang kaso, so, ang ginawa kop o ay I will just let atty. Howie take care of the rape case at may mga pina-plano pa rin po si Ms Cornejo (tulad) ng cyberlibel cases laban po sa mga namba-bash sa kanya hanggang ngayon at ‘yung ibang nagsasalita laban sa kanya, victim bashing, victim shaming, e, do’n na lang po tayo magko-concentrate para may division of labor po kami dito sa mga kasong kinakaharap,”paliwanag ni atty Ferdie.

Sundot ni Julius, ‘may nabanggit po kayo na sa pagkakaunawa namin ay hindi n’yo po maarok itong mga issues when it comes to ethics. Puwede po ba nating ipaliwanag attorney kung ano po ‘yun?’

“Yung sinasabi kong ethics kasi ang abogado ay hindi dapat sumasali sa isang kaso kung sa tingin niya ay iba ‘yung kanyang opinyon.

“Hindi ko sinasabi ‘yung direction where Atty. Calleja is heading is wrong, hindi ko sinasabing ako ang tama, maaring ako ang mali at siya ang tama ngunit since I do not agree in some of the moves of being made, e, minarapat ko na lamang na huwag ng makialam para walang friction kasi any friction in this case would not benefit of our client.

“Si atty, Howie naman is a trial lawyer (and) he knows what he is doing, so, ganu’n na lang po, we will leave at that and mag division of labor na lang po kami,” pangangatwiran ni atty. Topacio.

Nagpaalam naman daw siya ng maayos kay Deniece at wala naman itong komento.

“Sabi ko naman sa kanya (Deniece) hindi ko inaabandona ang pagtulong ko sa kanya because I’m helping Deniece because of the request of an old family friend, si Manong Rod Cornejo (tatay ng dalaga) at nangako naman ako sa kanya na hindi ko pababayaan itong mga kasong ito,” sabi nito kay Julius,” sey ni Atty. Topacio.

Nabanggit na maraming kakasuhan ng cyberlibel si Deniece at may mga vloggers daw ayon kay atty. Ferdie pero hindi raw ito magiging maingay kapag nagsampa na sila.

“Ang gusto kop o sana rito ay to prevent ‘yung dating media circus kaya tahimik na lang poi tong kasong ito. We will proceed very quietly under the radar,” pagsisiguro ni atty. Topacio.

Bukas ang BANDERA para kina Atty. Howard Calleja at Deniece tungkol sa mga pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio.

Related Chika:
Atty. Ferdinand Topacio nagbitiw bilang legal counsel ni Deniece Cornejo: May justice prevail this time

Deniece Cornejo hindi iuurong ang rape case laban kay Vhong Navarro: Laban kung laban, wala nang atrasan

Vhong Navarro sinampahan ng kasong rape sa Taguig, komedyante nag-react: Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo

Read more...