JUDAY: Solusyon agad, habang pinatatagal kasi mas lalo tayong nananakawan!

Sa patuloy na pag-init ng issue sa pork barrel scam at sa pagdami ng mga kilalang personalidad na nai-involve rito, mas nagiging open naman ang ilang mga showbiz personalities sa pagbibigay ng kanilang opinyon, lalo na yung mga milyones ang ibinabayad na tax sa gobyerno.

Isa na nga riyan si Judy Ann Santos na katatapos lang maresolbahan ang kaso niya sa BIR, aminado si Juday na walong taon niyang binuno ang pagbabayad ng buwis matapos nga siyang makasuhan noon ng BIR.

As in dugo’t pawis talaga ang ipinuhunan niya para lang makumpleto ang dapat niyang bayaran sa tax. “Kasi kakatapos lang nu’ng kaso ko, eh.

Saan napunta yung binayad ko? Parang inipon ko ng ilang taon yun. May sarili akong account para mabayaran ko yung kaso ko ng matapos na siya, siyempre yung puso mo parang gustong sumabog kasi dugo, pawis at literal na luha ang involved, tapos biglang may ganyang scam, di ba?” paghihimutok ni Juday.

Bigla nga raw naisip ni Juday ang mga kalamidad na nangyayari ngayon sa Pilipinas, pati na rin ang kaguluhan sa Zamboanga City, doon na lang daw sana napunta ang P10 billion pork barrel kesa sa mga bulsa ng ilang indibidwal.

“Though wala naman tayong (idea), dahil hindi pa klaro kung ano ba talaga ang nangyayari but well aware naman tayo na nanakawan tayo ng malaking halaga at hindi ito basta basta pera.

Yung 10 billion ang daming pera nu’n, ang daming pwedeng magawa dun ah!” bulalas ng aktres-TV host. Ayaw namang i-single out ni Juday ang mga kasamahan niya sa industriya na sina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada na kinasuhan na nga kaugnay ng pork barrel scam, aniya, kailangan daw sa isyung ito ay isantabi muna ang anggulo na sila’y mga celebrities o sikat na artista, mas dapat daw pagtuunan ng pansin ng mga tao ang tunay na issue.

“Wag nang tagalan yung proseso, bilisan na natin yung pagproseso ano kasi ang dami ng dumarating na bagyo at kung ano-anong calamities. Ang sa akin lang, let’s get to the bottom of this.

Let’s finish this already and hanapan na ng solusyon. Stop pinpointing and solusyunan na kasi the more na pinapatagal the more na tayong ninanakawan,” matigas na sabi ni Juday.

( Photo credit to Google )

Read more...