Mas type raw ni Jessy Mendiola na maging dyowa si Sam Milby kesa sa leading man niya sa teleseryeng Maria Mercedes na si Jake Cuenca.
May isang source na nakapagkuwento sa amin na nagsabing hindi naman daw talaga interesado si Jake kay Jessy, kumbaga, gusto lang magbigay ng kilig ni Jake para sa mga manonood ng bagong project nila ni Jessy.
At alam naman daw ‘yan ng tisay na aktres kaya nga ayaw na lang niyang magsalita kapag natatanong kung totoong nanliligaw na sa kanya ang hunk actor.
Pero siyempre, hindi naman bastos si Jessy para ipangalandakan na “niloloko” lang siya ni Jake, sa presscon kasi ng Maria Mercedes, marespeto pa rin niyang sinabi na mabuting tao si Jake, pero hindi niya alam kung nililigawan nga siya nito.
Nang tanungin kung may pag-asa ba ang aktor sakaling pormahan siya, “Anything is possible naman especially kasi kami lagi kaming magkakasama at parang kapag tumagal pa, tingnan natin, at oo meron namang possibility.”
Pero bigla ring bumawi si Jessy, aniya, sa ngayon wala pa raw siyang panahon sa serious relationship, lalo na ngayong sa kanya ipinagkatiwa ng ABS ang Pinoy version ng Mexicanovelang Maria Mercedes na unang ginampanan ni Thalia.
“Kasi, like the character of Maria Mercedes, hinihintay pa rin niya ang tamang panahon kung kailan siya mai-in love ng todo-todo, ganu’n din ako in real life, maghahantay ako ng tamang panahon at hindi ‘yung agad-agad.
Sa ngayon pamilya muna.” Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na siya na ang bida sa seryeng tinutukan niya noon, “Sobrang dream role ko ang Maria Mercedes along with other dream roles at sobrang happy ako na ibinigay sa akin ‘to, kumbaga, sabi nga nila, ang feeling ay nabigyan ka na ng spicy may sweet surprise pa.”
Inamin naman ni Jessy na mas na-pressure sila na inilagay sa primetime ang serye nila, “Originally dapat non-primetime show ‘to pero siguro napakita namin ‘yung gusto naming maiparating sa kanila na mahal namin ang project na ‘to, kaya ginawa nilang primetime.”
( Photo credit to Google )