World tour ni Justin Bieber kanselado, Manila concert damay rin

Justin Bieber

Justin Bieber (PHOTO: Instagram/@justinbieber)

KINANSELA ulit ng Canadian pop sensation na si Justin Bieber ang kanyang “Justice World Tour”.

Ayon sa concert organizer na Ovation Productions, hindi na muna matutuloy ang natitirang concert dates ng pop star hanggang sa susunod na taon.

Bahagi nila sa isang social media post, “It includes all dates up to and including March 25, 2023.”

Kabilang na riyan siyempre ang Manila concert na mangyayari sana sa October 29 sa CCP Open Grounds sa Pasay City.

 Walang pang detalye sa bagong schedule ng concert, pero nag-anunsyo na ang organizer na pwede pa ring magamit ang mga nabiling ticket.

“For those who have purchased tickets, you may carry forward your existing tickets as they will be honored,” sabi sa post. 

Dagdag pa ng Ovation Productions, “Your tickets are still valid for the new date and no further action is required.

“The seat plan stays the same, your tickets will still [be] in the same location inside the performance area.”

Pwede rin daw mag-request ng “full refund” ang mga hindi na makakanood.

“If ticket holders are not available on the new dates, full refunds will be available and more information will be announced by Ovation,” anila.

Nagsimula ang “Justice World Tour” nitong Pebrero at matatapos sana sa March 25 ng susunod na taon.

Matatandaang noong September 6 unang hininto ang concert tour matapos maparalisa ang kalahating mukha ni Justin dahil sa Ramsay Hunt Syndrome.

Read more:

Dating news anchor Eduard Bañez planong balikan ang showbiz career sa Pinas; nakatrabaho sina Justin Bieber at Sia sa US

Justin Bieber tinamaan ng COVID-19, concert sa Las Vegas hindi natuloy

Gerald, Julia ikinumpara kina Justin Bieber at Hailey Baldwin; bashers sunog sa JuRald fans

Read more...