Vicki Belo hindi pinapasok sa Chanel Fashion Show sa Paris: ‘not meant to be’

Vicki Belo in PAris Fashion Week

Vicki Belo in Paris Fashion Week (PHOTO: Instagram/@victoria_belo

HINDI pinapasok at sinaraduhan pa ng pinto ang celebrity doctor na si Vicki Belo sa isang event ng Paris Fashion Week.

Sa kanyang recent Instagram story, ibinandera pa niya na todo glam up pa siya sa dadaluhang event na “Chanel Fashion Show.”

May ilang IG snaps din na panay pose siya habang “on the way” sa nasabing event.

Vicki Belo (PHOTO: Grab from Instagram story @victoria_belo)

Pero sa kasamaang palad, na-late ng limang minuto ang celebrity doctor sa event at hindi na siya pinapasok.

Malungkot na chika ni Dra. Vicki, “As usual, Filipino time, I was late by 5 minutes and they’re very strict here, sinarado na ang door.”

Excited pa naman si Dra. Vicki dahil ito ang “first time” na naimbitahan siya sa nasabing event.

Saad pa niya, “Ngayon lang sana ako makaka-attend ng Chanel pero not meant to be, okay lang.”

PHOTO: Grab from Instagram story @victoria_belo

Ibinandera niya sa Instagram kamakailan ang naging imbitasyon ng luxury brand.

Caption pa niya, “It’s the first time I’m attending the #chanel show. I’ve heard that it’s always such a beautiful show . #parisfashionweek @chanelofficial.”

Isang linggo nang nasa Paris si Dra. Vicki para sa Paris Fashion Week, at base sa kanyang recent IG posts, kasa-kasama niya ang kanyang mister na si Hayden Kho at ang aktres at youtuber na si Alex Gonzaga.

Nakipag-bonding rin siya sa celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford na kasalukuyang lumalaban sa dance competition ng France na “Dancing with the Stars.”

Read more...