Resbak ni Sharon sa tumawag sa kanya ng ‘feeling entitled’ at ‘ipokrita’: Judgmental na naman? Haaayyyy, mema lang!

Resbak ni Sharon sa tumawag sa kanya ng 'feeling entitled' at 'ipokrita': Judgmental na naman? Haaayyyy, mema lang!

Sharon Cuneta

TINAWAG na “feeling entitled” at “hypocrite” ng ilang netizens si Megastar Sharon Cuneta kaugnay ng naging experience niya sa isang luxury design house sa South Korea.

Mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang hindi pagpapapasok kay Mega sa Hermès store sa Seoul nang magtangka siyang mag-shopping doon a few weeks ago.

Mapapanood ito sa YouTube vlog ni Sharon na ipinost niya noong September 30. Dito, nagbahagi ang actress-singer at TV host ng mga naging kaganapan sa pagbabakasyon niya sa Korea kasama ang kanyang pamilya.

Isa na nga rito ang pagtungo nila sa Shinsegae Department Store sa Seoul kung saan tinangka nga ni Mega na pumasok sa Hermès boutique para bumili ng belt pero hindi nga sila pinapasok. At dahil dito, nagdesisyon siya na sa Louis Vuitton na lang mamili.


Maraming kumampi kay Sharon sa naging karanasan niya sa nasabing luxury shop pero may mga nambasag din sa kanya at sinabihan nga ng masasakit na salita.

Isang netizen ang nagkomento at nagpaliwanag sa ipinatutupad na protocol sa nasabing boutique kabilang na ang “by appointment” sa pagpasok sa store.

“After registering for appointment, they will text you when your slot is open na para you don’t need to line outside,” comment ng netizen.

Sagot ni Mega, knows naman daw ni Sharon na kinokontrol ang bilang ng customers sa loob ng sosyal na shop.

Banat naman ng isang netizen kay Sharon, “Dinadahilan Belt lang ang bilhin ngunit paglabas… Alam na (face emojis with dollar tongues emojis) sus! Huwag tayong maging hypocrite.”

Reply naman ni Sharon, meron daw siyang personal assistant na bumibili sa kanya ng mga stuff from Hermès, “Belt lang talaga ang balak ko kasi pumayat ako at gusto ko sukatin.”

“ALL my Hermes stuff was bought for me by my personal shoppers. You cannot walk into any of their stores expecting to leave with a Birkin or a Kelly.

“Unless you have an SA (shopping assistant) friend which I do in Rodeo Drive who shows you stuff in the back,” pahayag ng asawa ni Kiko Pangilinan.

Panunupalpal pa ni Mega sa bashers, “Judgmental na naman. Dami ko nga nabili sa LV tapos hypocrite? Haaayyyy mema lang.”

Sa mga nagsasabi namang nagulat sila na hindi alam ni Sharon na “by appointment” ang pagpunta sa Hermès shop, “Because actually, I rarely do my shopping myself. I have a shoppers, one of whom is based in Milan, and they send me photos of whatever is new and after choosing, they do the shopping for me.

“And yes, as I explained in the P.S. (post script ng kanyang post) in my caption, I know about the lines and appointments and all.

“Sometimes lang you are there na and take a chance like I did at LV so I was let in,” aniya pa.

Isa pang basher ang nagkomento ng, “Kahit VIP nga need mag pa register and maghintay pra makapasok. Sya pa kaya? Feeling entitled. Kahit mga Koreans VIP nga dito naghihintay eh.”

Sey naman ni Sharon, sinagot na niya ito sa isa na niyang post.

Samantala, may nagkomento naman na dapat mag-sorry ang  luxury brand kay Mega at i-demote ang empleyado na hindi nagpapasok kay Sharon.

Sagot ni Sharon, “No need! There are rules and I just took a chance naman. Feeling ko nga baka may VVIP doon that time siguro.”

Related Chika

https://bandera.inquirer.net/316699/angel-aquino-natulala-sa-taping-ang-husay-ni-mega-ang-husay-ng-lahat-dito-sa-probinsyano-lagi-akong-starstruck
https://bandera.inquirer.net/325390/toni-gonzaga-unbothered-kahit-inaayawan-ng-netizens-they-are-the-reasons-why-we-are-here-today
https://bandera.inquirer.net/325728/aiko-dumepensa-sa-pagkuha-ng-online-shopping-app-kay-toni-mali-naman-ang-atakihin-nyo-ang-kinuha-nilang-endorser
Read more...