Luis Manzano nagpasabog ng good vibes sa socmed; mga kapwa artista tawang-tawa

GOOD vibes ang hatid ng komedyante at TV host na si Luis Manzano sa madlang pipol.

Ibinandera ni Lucky sa kanyang latest Instagram post ang isang video kung saan ipinakita muna niya ang litrato ng ilang malalaking bituin sa showbiz.

Kabilang na riyan sina Bea Alonzo, Alden Richards, Pia Wurtzbach, Daniel Padilla, Maine Mendoza, Marian Rivera, Heart Evangelista, at marami pang iba.

Pero ang nagpatawa sa marami ay ‘yung bandang dulo ng video kung saan nag-feeling “belong” si Luis at nag-pose pa mismo sa tabi ng mga litrato.

Sabi pa niya sa caption, “Pag superstar talaga, 3D ang nilalagay nila.”

Nakisakay naman ang maraming netizens, gaya ng isang nag-comment na napagkamalan pang nasa Hogwarts ang actor.

“Sa hogwarts po ba ito? gumagalaw pic? Haha!”

Bilib na bilib din ang isang fan na nagsabing, “Ang lupet ng pic mo kuya!!!”

Tawang-tawa rin ang isang nag-comment, “Bwisit!! talagang gumagalaw pa ang 3D! Ahhahaa.”

Kaka-post lang ngayong araw ang video ni Luis at umani na ito ng mahigit 7,000 likes at libu-libong comments.

Read more:

Jessy Mendiola, Luis Manzano magkaka-baby girl na

Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

Edu na-shock din nang malamang buntis na si Jessy, hirit kay Luis: ‘Wow! When did you do that?’

Read more...