True ba, Jake Zyrus inakalang namatay pero muling nabuhay?

Jake Zyrus

“SALAMAT sa Diyos may misyon pa siya, nabuhay pa siya ulit,” ang pahayag ni Nanay Cristy Fermin sa balitang nahimatay ang mang-aawit na si Jake Zyrus sa Chicago, Illinois USA.

Sa “Showbiz Now Na” vlog nina ‘Nay Cristy, Romel Chika at Morly Alinio na in-upload kahapon ay ibinalita nila ang umano’y nangyari kay Jake Zyrus.

“Ano ang tunay na problema ni Jake Zyrus aka Charice Pempengco?” ang tanong ni ‘Nay Cristy kina Romel at Morly.

Say ni Morly, “Ako ang nakikita ko sa kanya ay siya mismo!”

Sinang-ayunan ito ng manunulat at online host, “Siya ang problema.  Kuwento po ito ng mga kapwa nating Filipino na nakakapanood kay Charice sa maliit na gigs niya at sa mga lugar na pinupuntahan niya (na) naglalasing.

“At there was one time sa Chicago ito kuwento ng isang kababayan natin, nag-pass out siya. Nawalan siya ng ulirat dahil sa kalasingan,” ani Nay Cristy.

Nagulat si Romel sabay sabing, “Ay ganu’n na kalala?”


Sabi naman ni Morly, “Mawalan ng ulirat ate Cristy parang syutay?”

“Kaya nga tumawag ang mga naroon ng 911, alam n’yo bang ipinasok (o) isinilid na siya sa body bag?” kuwento pa ni ananay Cristy.

“Di ba ate Cristy ‘yung body bag (minuwestrang binubuksan ang bag) doon inilalagay…” naputol na sabi ni Morly.

“Oo, sa mga rescuer at naka-zipper. At noong dalhin sa hospital ni-revive lang at awa ng Diyos nabuhay siya ulit,” sabi batikang manunulat.

Tanong ni Morly, “E, bakit nagkakaganu’n?”

“‘Yun nga ang tanong ko, ano ang kanyang tunay na problema at nagkakaganito ngayon si Jake Zyrus?” sagot ni ‘Nay Cristy.

Opinyon naman ni Morly, “Hindi niya matanggap na dati-rati ay pinapalakpakan siya, dati-rati ay kasama niya ‘yung mga international singers pero ngayon nasa maliliit na lang siya?”

Sabi naman ni ‘Nat Cristy, “Tamo ‘yung sinayang niya, David Foster na gumagawa ng milagro ng karera sa mga international singers, Ms. Oprah Winfrey, Ellen Degeneres. Ito po ang mga taong bumack-up kay Charice Pempengco noong hindi pa siya nababagong anyo, sinayang niya!”

“‘Yung premium niya nuknukan ng taas. Tapos may napanood akong video na kumakanta siya cellphone ang gamit at nagbabasa ng lyrics sa isang maliit na bar (US) at may ka-duet siya na ano lang, happy-happy lang din,” tsika naman ni Romel.

Nasambit naman ni Morly na biniyayaan at binigyan talaga si Charice ng talento, “Ako kung malalim ang pag-uusapan natin at pag-iisip, ayokong sabihin na karma, pero anuman ang ginagawa natin sa mundong ito, may balik sa atin ng maraming ulit.

“Kay Nanay Tessie, ang lola niya, na nag-alaga sa kanya na halos hindi kumakain at para lang mapakain ang kanyang apo, mananahi na hinihingi sa kanyang mga kliyente ang mga retasong tela para magawang damit ni Charice kapag sumasali sa mga singing contest.

“At maging sa kanyang ina, kay Aling Raquel. Siguro ito ‘yung mga pangyayari na nanggugulo sa kanyang konsensya ngayon,” pagdedetalye ni Manay Cristy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Jake o ng kampo niya tungkol sa isyung ito. Pero sana nga’y hindi totoo ang balitang ito at nasa maayos pa ring kalagayan si Jake.

May mga pinadalhan din kami ng mensahe para kumpirmahin ang nasabing insidente pero wala pa kaming nakukuhang sagot.

“SALAMAT sa Diyos may misyon pa siya, nabuhay pa siya ulit,” ang pahayag ni Nanay Cristy Fermin sa balitang nahimatay ang mang-aawit na si Jake Zyrus sa Chicago, Illinois USA.

https://bandera.inquirer.net/322055/rico-yan-may-kamukhang-kamukhang-bagets-parang-nabuhay-uli-siya
https://bandera.inquirer.net/301618/gagawin-natin-lahat-para-mabuhay-ulit-ang-movie-industry
https://bandera.inquirer.net/306264/cristy-fermin-inatake-ng-matinding-kalungkutan-nang-makita-ang-hubad-na-katawan-ni-jake-zyrus
https://bandera.inquirer.net/306317/liza-dino-sa-viral-dibdib-photo-ni-jake-zyrus-kung-yun-ang-magpapasaya-sa-kanya-suportahan-natin-siya

Read more...