HINDI lang talaga mga local celebrities ang nakakapansin at napapa-wow sa pagiging fashion icon ng Kapuso actress na si Heart Evangelista, kundi maging ang mga kilalang personalidad sa iba’t ibang bahagi ng universe.
Kamakailan lamang ay nakuha rin ni Heart ang atensiyon ng international star na si Victoria Beckham dahil sa kanyang latest sosyalerang OOTD sa Paris Fashion Week.
Last Friday, September 30, isa si Heart sa mga celebrity fashionista na nanood sa debut ng former Spice Girls member bilang isang fashion designer sa Paris Fashion Week show.
Suot ng Kapuso actress ang ilan sa design mula sa Victoria’s collection. Makikita ang mga ito sa mga ipinost na photos and videos ni Heart sa kanyang Instagram account.
Isa na riyan ang ibinandera ng aktres sa kanyang Instagram Reel last Saturday, October 1, kung saan suot niya ang Victoria Beckham’s structured coat dress and ruffled tie-neck blouse.
Tinernuhan pa niya ito ng monogram circle bag na nagkakahalaga umano ng P32,389, base na rin sa nakasaad sa kanilang official website, at ng platform ankle-strap heels.
Sa kanyang caption, tanging black heart emoji lang ang inilagay ni Heart at itinag ang dating miyembro ng Spice Girls.
At nang makita nga ni Victoria ang mga Instagram updates ni Heart, talagang nagkomento ito at pinuri nang bonggang-bongga ang Kapuso star.
“U look incredible!!! Perfect VB muse!!!” ang iniwang comment ni Victoria Beckham.
Kamakailan lamang ay ginawa namang “santo” ng mga babaeng niloko at iniwan ng kanilang mga dyowa si Heart. As in dinasalan talaga nila ang imahe ng aktres para patnubayan at gabayan sila sa pakikipagrelasyon.
https://bandera.inquirer.net/304461/heart-tiis-ganda-sa-paris-fashion-week-2022-hindi-ko-na-kaya-hindi-ko-na-kaya
https://bandera.inquirer.net/305176/heart-nagtagumpay-dahil-sa-pagiging-totoo-kikay-talaga-ako-at-may-narating-ang-pagkakikay-ko
https://bandera.inquirer.net/305009/pia-ibinandera-na-rin-ang-pag-aaring-branded-stuff-heart-made-me-do-it-nakikiuso-lang