San Beda, Perpetual magpapakatatag | Bandera

San Beda, Perpetual magpapakatatag

Mike Lee - September 30, 2013 - 03:02 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. Perpetual Help vs Lyceum
6 p.m. San Sebastian vs San Beda
Team Standings: *San Beda (12-2); Letran (11-3); Perpetual (11-4); San Sebastian (8-5); EAC (7-7); JRU (5-8); St. Benilde (5-8); Arellano (5-9); Lyceum (4-10); Mapua (1-13)
* – pasok sa Final Four

HIHIGPIT pa ang labanan para sa unang dalawang puwesto sa 89th NCAA men’s basketball sa pagsabak sa magkahiwalay na laro ng nagdedepensang San Beda College Red Lions at University of Perpetual Help Altas ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katunggali ng Altas ang Lyceum Pirates sa ganap na alas-4 ng hapon habang ang Red Lions ay makakabangga ng mainit ding San Sebastian Stags dakong alas-6 ng gabi at ang makukuhang panalo ng Perpetual at San Beda ay magpapanatili sa kinalulugarang puwesto sa team standings.

Solo sa una pa rin ang bataan ni San Beda coach Boyet Fernandez matapos padapain sa overtime ang kinapos na tropa ni Perpetual coach Aric del Rosario, 78-76.

Nalaglag sa 11-4 baraha ang Altas at bumaba sila sa ikatlong puwesto nang durugin ng Letran Knights (11-3) ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 75-50, noong Sabado.

Mahalaga para sa Altas na maipanalo ang larong ito dahil sunod nilang babanggain ay ang Knights na maaaring magdetermina kung malalagay sila sa unang dalawang puwesto at masungkit ang mahalagang twice-to-beat advantage sa Final Four.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending