Aiko dumepensa sa pagkuha ng online shopping app kay Toni: Mali naman ang atakihin n’yo ang kinuha nilang endorser

Aiko dumepensa sa pagkuha ng online shopping app kay Toni: Mali naman ang atakihin n'yo ang kinuha nilang endorser

Toni Gonzaga at Aiko Melendez

MATAPANG na kinampihan ng award-winning actress na si Aiko Melendez si Toni Gonzaga matapos itong batikusin ng mga galit na galit na netizens sa social media.

Naglabas ng saloobin ang actress-politician tungkol sa pambabatikos ng publiko kay Toni nang kunin itong celebrity endorser ng online shopping app na Shopee.

Bukod sa pagkontra ng Kakampinks o ang mga supporters ni dating Vice President Leni Robredo kay Toni, sumabay din ito sa pagsasagawa ng mass layoff ng nasabing online shopping app.

Sinisi ng netizens si Toni dahil baka raw dahil sa laki ng talent fee nito ay nagdesisyong magtatanggal ng daan-daang empleyado ang naturang online shopping brand. Kasunod pa nito ang panawagang iboykot ang kumpanya.

Sa kanyang Facebook page last October 1, nag-post si Aiko ng  kanyang saloobin hinggil sa pagkuha kay Toni bilang endorser ng kontrobersyal na online shopping app at sa nangyaring mass lay off sa kumpanya.

Pahayag ni Aiko, “Sana mag-stick po tayo na mali ang timing ng ginawa ng Shopee sa pag-alis ng mga tauhan nila at pagbabawas. Dahil hindi po ito makatao.

“Pero mali naman ang atakihin niyo ang kinuha nilang endorser dahil iba ang political leanings niya,” pagsisimula ng aktres na ang tinutukoy ay ang pagsuporta ni Toni sa kandidatura ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong nakaraang May, 2022 elections.


Pagpapatuloy ni Aiko, “Ang (brand) din lang ang makakaalam na baka kaya kinuha nila si Toni Gonzaga para maisalba also ang sales nila at eventually pag nakabangon sila i-hire back ang mga tao. Sana nga ganu’n ang diskarte nila,” dagdag ni Aiko.

“Whether we like it or not si Toni is one of the top endorsers and kapag siya also ang kinukuha maganda ang sales.

“Wag na kayo maging divided para sa isang company. Maging malawak sana ang pag-iisip ng mga tao,” ang punto pa ng Kapuso actress.

Hirit pa niya, “Sa (brand) niyo i-call ang attention niyo dahil sila ang nag-alis ng mga empleyado nila and not Toni!”

Hanggang ngayon ay dedma lang si Toni sa pambabatikos sa kanya ng mga netizens at mukhang wala rin siyang balak magsalita o bweltahan ang lahat ng nagka-cancel sa kanya.

Narito naman ang official statement ng naturang online shopping app hinggil sa issue: “Shopee is committed to providing its users with an enjoyable shopping experience on the platform.

“We are extending the same level of commitment to our valued users with 10.10 Brands Festival through mas mura brand deals up to 50% off, back-to-back Super Brand Days, and our new brand ambassador Toni Gonzaga.

“Together with our newest Brand Ambassador, Toni, we are working to deliver entertaining content to drive anticipation leading up to the upcoming 10.10 Brands Festival.”
https://bandera.inquirer.net/325390/toni-gonzaga-unbothered-kahit-inaayawan-ng-netizens-they-are-the-reasons-why-we-are-here-today
https://bandera.inquirer.net/325360/toni-gonzaga-bagong-endorser-ng-online-shopping-app-netizens-na-bad-trip-nagbanta
https://bandera.inquirer.net/314224/si-marian-rivera-ang-number-one-budol-ng-buhay-ko-at-love-na-love-niya-ako-rhea-tan
https://bandera.inquirer.net/325440/ka-tunying-sa-mga-kakampink-wala-kayong-kadala-dala

Read more...