ITINUTURING na ring parang tunay na kapatid ni Kristoffer Martin ang mga kaibigan niya sa showbiz na sina Rodjun Cruz, Bea Binene at Alden Richards.
Mula noong mga bagets pa sila hanggang ngayon na may sarili na siyang pamilya ay napanatili pa rin nila ang solid nilang relasyon bilang magkakaibigan.
In fact, kinuha pa niyang ninong at ninang sina Alden, Rodjun at Bea ng limang taong gulang niyang anak na si Pre, o si Precious Christine.
Ayon kay Kristoffer, ang tatlo niyang kaibigan ang ilan sa mga taong nakasama niya noong dumaan siya sa matitinding challenges ng buhay kaya abot-langit talaga ang pasasalamat niya sa mga ito.
“Sila ‘yung pinaka-close ko talaga na kahit 2 a.m. tatawag ako, sasagutin nila. Kapag may problema, ready silang makinig. Sila ‘yung mga one call away kong mga kaibigan,” pahayag ng singer-actor sa panayan ng GMA Network.
Isa raw sa mga hindi niya malilimutang payo sa kanya ni Alden na itinuturing na niyang parang tunay na “kuya” ay ang pagkakaroon ng matibay na paninindigan at palaging magdasal.
“Ang mga payo niya sa akin is just be patient lang, always pray. Hindi siya nagkukulang doon sa lagi kang magdasal kasi wala kang ibang kakapitan lalo na sa mga problema mo kung hindi si Lord lang,” lahad pa ni Kristoffer.
Samantala, busy ngayon si Kristoffer sa promo para sa latest single niya under GMA Music, ang “‘Di ba?” na napapakinggan na sa iba’t ibang digital music platforms.
The song, composed by Sir Nicholai Ramil Basilonia, is about a person in denial of his/her breakup and believing that the relationship did not end and is merely a cool-off.
“Natuwa ako habang nire-record namin siya. Iba ‘yung excitement and fulfilment. May mga option pong binigay ang GMA Music at ito po ‘yung tumatak sa akin kasi ang ganda ng pagkakasulat, ramdam na ramdam talaga ‘yung words. Na-excite rin ako kasi gusto ko talagang kumakanta in Filipino,” chika ng celebrity daddy.
Aniya pa, “First time ko rin mag-record na may ambag ako sa tugtog, gusto kong ganito ‘yung areglo at ‘yung feel ng kanta. May guitar solo akong binigay at may bridge part din. Ang sarap kantahin ng isang bagay na alam mong may ambag ka.”
For now, wala pa siyang planong mag-try ng ibang klase ng musika, “Sa ganitong genre na may pagka-rock at pop, parang mas nahanap ko yung comfort zone ko into singing. Somewhere in between sa mga genres na ‘yun.
“Mas kaya ko siyang i-deliver, mas nararamdaman ko siyang kantahin. As much as possible, gusto ko lahat ng kanta ko is in Filipino talaga. Mas gusto ko ‘yung hindi ko lang basta kinakanta, kundi nadarama ko rin ‘yung bawat words,” aniya pa.
Kristoffer also expresses his love for his other passions, “First love ko talaga is singing kasi galing po ako sa singing contest, mahilig po talaga akong kumanta.
“Tapos binuksan ni Lord ‘yung door sa acting na minahal ko rin, in the process minahal ko talaga ng sobra. ‘Yung song writing, sumusundot-sundot kapag naramdaman then isusulat. So in a way balanse po silang tatlo,” hirit pa niya.
At pagdating naman sa iba pang roles na nais niyang gampanan, “Gusto ko ‘yung mga role na natsa-challenge ako at sinasabi kong ‘di ko kaya pero pag nagawa ko grabe ‘yung fulfilment.”
Catch the premiere of Kristoffer’s performance video on October 7 at 5 p.m. on GMA Music’s YouTube channel and Facebook page.
https://bandera.inquirer.net/325281/kristoffer-martin-binago-ng-diyos-ang-buhay-mula-nang-mag-asawa-may-magic-ang-kasal-akala-ko-dati-title-lang-siya-hindi-pala
https://bandera.inquirer.net/289282/kristoffer-martin-napaiyak-sa-pagiging-born-again-christian-surrendered-delivered
https://bandera.inquirer.net/306339/alexa-ilacad-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-kd-estrada-sa-totoo-lang-pwede-na-nga-eh-pero
https://bandera.inquirer.net/296947/sharon-gaganap-nga-ba-bilang-ina-ni-mara-sa-fpjs-ang-probinsyano