Dating child star Serena Dalrymple ikinasal na sa dyowang French sa New Hampshire

Dating child star Serena Dalrymple ikinasal na sa dyowang French sa New Hampshire

Serena Dalrymple at Thomas Bredillet

IKINASAL na ang dating child star na si Serena Dalrymple sa kanyang non-showbiz French partner na si Thomas Bredillet sa Amerika.

Ibinahagi ng 32-year-old bride sa kanyang Instagram account ngayong araw ang ilang litrato na kuha sa kanilang wedding.

Isa itong outdoor wedding na ginanap sa Lake Winnipesaukee, New Hampshire, base na rin sa mga nakita naming IG post ng dating Kapamilya child actress.

Makikita si Serena suot ang kanyang white wedding gown with a low-cut back habang naka-blue suit naman ang groom.

May mga ipinost ding mga pictures ang ilang bisita nina Serena at Thomas na kuha sa mismong wedding ceremony at reception.


Sa isang IG post, sinabi ni Serena na nagkakilala sila ni Thomas noong 2018 at nag-propose naman ang guy sa kanya taong 2021.

Bago magtungo sa Amerika, sumikat muna si Serena bilang award-winning child actress. Nagwagi siya sa 1998 FAMAS bilang Best Child Actress para sa “Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa?” kung saan nakasama niya sina Vilma Santos at Carlo Aquino.

Ilan pa sa mga pelikulang nagawa niya under Star Cinema ay ang “Hiling,” “Mila” at “Tanging Ina.”

Iniwan niya ang showbiz para matanggap ang pension mula sa namayapa niyang ama na isang United States Military Officer. Pumanaw ang kanyang mga magulang noong bata pa lamang siya.

Taong 2010 nang magtapos siya ng Business Administration sa De La Salle-College of Saint Benilde sa Manila at pagkatapos nito ay lumipad na siya patungong US para makasama ang kapatid.

https://bandera.inquirer.net/312468/serena-dalrymple-ikakasal-na-sa-french-boyfriend-ngayong-2022-online-dating-app-success-story
https://bandera.inquirer.net/291107/claudine-bautista-nagpaliwanag-na-sa-bonggang-balesin-wedding-michael-cinco-nag-sorry-din
https://bandera.inquirer.net/318354/paano-nga-ba-nakilala-ni-nadine-lustre-ang-french-bf-na-si-christophe-bariou
https://bandera.inquirer.net/297660/nanay-ni-ellen-nag-sorry-may-ginawa-sa-first-night-ng-anak-at-ni-derek-bilang-mag-asawa

Read more...