James Reid kumasa sa hamon ni Mimiyuuuh matapos matsismis kay Kelsey Merritt: ‘You ready for mature roles?’

James Reid kumasa sa hamon ni Mimiyuuuh matapos matsismis kay Kelsey Merritt: 'You ready for mature roles?'

Mimiyuuuh, James Reid at Kelsey Merritt

NAGETSING ng actor-singer at record producer na si James Reid ang nakakalokang hamon sa kanya ni Mimiyuuuh.

Ito’y matapos ngang mag-viral ang pasabog at sexy music video ni James para sa bago niyang kanta na “u & i”.

Kasama niya sa video ang Fil-Am model na si Kelsey Merritt kung saan talaga namang pinag-usapan ng mga netizens ang kanilang steamy scenes. Halos lahat ng mga nag-comment ay nagsabing bagay na bagay ang dalawa.

Agad itong nag-number one sa top trending music list ng YouTube. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nasa second spot na ito next to K-Pop girl group BLACKPINK’s “Shut Down” music video.


Isa sa mga nag-react sa music video ni James ay ang internet sensation at social media influencer na si Mimiyuuuh.

“SIR JAMES NEXT TIME AKO NAMAN I LEADING LADY MO … Kimmmyyyyyy,” ang pahayag ni Mimiyuuuh.

Nang mabasa naman ito ni James, agad din siyang nag-reply at mukhang game na game naman sa possible collaboration nila ng vlogger anytime.

Hirit ng hunk actor at talent manager, “Okkkk you ready for mature roles?”

At siyempre, sinagot uli ito ni Mimiyuuuh ng, “WAG MO PO AKONG0 HINAHAMON SIR JAMES! I WAS BORN READY.”

Samantala, agad namang binasag ni James ang trip ng kanyang mga fans at socmed followers na nag-akalang nagkakamabutihan na sila ni Kelsey dahil nga sa sexy photos nila ng dalaga.

Sey ni James, ang mga ipinost niyang mga litrato ay kuha nga sa ginawa nila ni Kelsey na music video at wala itong malisya tulad ng iniisip ng iba.

Music video ng bagong kanta ni James Reid kasama si Kelsey Merritt trending, netizens nawindang sa mga eksena

COVID hugot ni Mimiyuuuh: Akala ko mawawala na ang nanay ko sa harapan ko…

Mimiyuuuh nag-sorry sa fans ng BLACKPINK: Hindi na po mauulit…

Hamon ni AJ Raval sa bashers: Ilabas na ang galit n’yo na makakatulong sa buhay n’yo at sa ikauunlad ng Pilipinas

Read more...