Lyca Gairanod certified NBSB, tinuksu-tukso kay Daniel Padilla: ‘Wala na pong chance! Ha-hahaha!’

Lyca Gairanod certified NBSB, tinuksu-tukso kay Daniel Padilla: 'Wala na pong chance! Ha-hahaha!'

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Lyca Gairanod

CERTIFIED “NBSB” o no boyfriend since birth ang singer-actress na si Lyca Gairanod sa edad na 17.

Ayon sa “The Voice Kids Philippines” Season 1 champion, hindi pa siya nagkakaroon ng dyowa pero hindi naman daw siya nagmamadaling magkaroon ng lovelife.

Sa panayam ng media sa dalagita kamakailan, nabanggit niya na kung magbo-boyfriend man siya, sisiguruhin niyang hindi ito makaaapekto sa kanyang showbiz career pati na sa relasyon niya sa pamilya.

“Nasa tao naman po yun. Kung susuportahan ako ng magiging boyfriend ko sa lahat, hindi siya magiging dahilan para matigil ang mga ginagawa ko para sa pamilya,” chika ni Lyca.

Wala naman daw siyang natitipuhan ngayon sa mga kabataang male celebrities kaya tinuksu-tukso siya ng ilang members ng entertainment press kay Daniel Padilla dahil sa pag-amin niya noong bata pa siya na ang aktor ang “biggest crush” niya.

Tanong sa kanya ng press, paano raw kung si DJ ang manligaw sa kanya, “Wala pong chance!” Na sinundan niya ng malakas na tawa.


“Wala po akong chance. Kung walang Ate Kathryn (Bernardo)! Pero grabe po sila, talagang bagay na bagay. Fan na fan po ako ng KathNiel!” dagdag pa ni Lyca.

Samantala, masaya namang ibinalita ng singer at batang aktres na maayos na ang kundisyon ng kanyang tatay matapos ma-stroke noong April, 2022.

“Nakakausap na po namin siya nang maayos. Hindi po tulad noong una na hindi po siya masyadong nagsasalita, but now, alam na po namin kung gusto na niya kumain.

“Nasa bahay na po siya. Sabi po kasi ng doktor niya, mas magandang nasa bahay si Father para mas maging positive siya, masaya lang, at nakikita niya kami araw-araw.

“Ganoon po talaga ang buhay, may magaan, may mabigat. Talagang hindi po natin maiiwasan but nakayanan naman po namin. Basta para kay Father, talagang kakayanin.

“Pero ito po talaga, mas mahirap sa amin dahil first time na nangyari sa buhay ko,” aniya pa.

Bukod sa pagkanta, busy din ngayon si Lyca sa pag-aartista. Bukod sa comedy show niya sa TV5 na “Kalye Kweens” kasama sina Alma Moreno at Dina Bonnevie, kasali rin siya sa Vivamax Original suspense-mystery-horror film na “Mary Cherry Chua”.

Ka-join din sa pelikulang ito sina Ashley Diaz, Kokoy de Santos, Joko Diaz, Alma Moreno, Abby Bautista at Krissha Viaje, written and ditected by Roni S. Benaid.
https://bandera.inquirer.net/298448/lyca-binansagang-meme-queen-mensahe-ni-karen-may-plano-ang-panginoon-para-sa-iyo-i-love-you

https://bandera.inquirer.net/304446/francine-diaz-certified-nbsb-pero-payag-daw-magdyowa-kapag-dumating-na-si-mr-right

https://bandera.inquirer.net/321877/lyca-gairanod-nilinaw-ang-controversial-answer-sa-family-feud-ang-hirap-sumagot-nang-biglaan
https://bandera.inquirer.net/291262/payo-ni-karen-kay-lyca-wag-basta-isuko-ang-virginity-magse-sex-kayo-tapos-magbi-break-and-after-that-wala-na

Read more...