INAMIN ni Bossing Vic Sotto na miss na miss na talaga niya ang paggawa ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa katunayan, may naisip na siyang konsepto at tema para sana sa pagbabalik niya sa taunang filmfest pero feeling nila kulang na sa panahon para matapos ito at isali sa MMFF 2022.
In fairness, halos tatlong dekada ring namang namayagpag ang veteran TV host-comedian sa filmfest na palaging top-grosser ang mga entry nitong mga nakalipas na taon.
Ngunit mula nga noong 2020, hindi na nakasali muli si Bossing sa MMFF dahil na rin sa COVID-19 pandemic at hindi na rin nakagawa ng kahit anong pelikula.
“Ang totoo, miss na miss ko ang festival at gumawa ng pelikula. Actually, may concept na kami for an entry, kami nila Mr. Tuviera sa APT Entertainment. Pero hindi namin kayang tapusin. Hindi naman ako ‘yung tipong matapos lang, makasali lang,” kuwento ng comedy icon sa virtual mediacon ng NET25 para sa kanilang mga programa.
Bida sila ng kanyang asawang si Pauleen Luna kasama ang anak nilang si Tali sa drama anthology na “Love, Bosleng With Tali”. Sila ang mga hosts at tagabigay ng payo sa mga letter sender na nagbabahagi ng kanilang life story.
Sabi pa ni Vic, “When it’s meant for me, for us, my group, kapag kami ay sasali, kailangan mataas ang kalidad at hindi naman pwedeng ganu’n-ganu’n lang. But we’re targeting to join again next year. So most probably, next year, balik MMFF na ako.”
Ang huling naging entry ni Bossing sa MMFF ay ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” na ipinalabas noong 2019, directed by Michael Tuviera kung saan nakasama niya sina Maine Mendoza, Jake Cuenca, Jose Manalo, Wally Bayola, Pokwang at marami pang iba.
Okay na okay din daw si Bossing Vic na makasama at makatrabaho sa pelikula ang mga artista mula sa ibang TV network, “Alam niyo naman, kakampi ko lahat. Kapamilya, Kapatid, Kapuso. Pero Kabisote lang ako. Kahit saan, pwede ako.
“Walang masamang tinapay. Everything, no problem at all. Ever since, I never really had a problem pagdating sa trabaho,” sabi pa ni Vic.
Hindi rin daw issue sa asawa niyang si Paulene Luna kung sino ang magiging leading lady niya, “Ever since, I never really had a problem pagdating sa trabaho. Kung sino katrabaho ko or kung sino ang kasama sa pelikula. Ang maganda kay Paulene, nasa industriya din siya.
“Naiintindihan niya ang trabaho ko. Kung sino bagay sa role na ‘to. Sa kanya nanggagaling ang suggestions kung sino bagay sa ganitong character. Never kaming nagkaroon ng argument or pagtatalo.
“When it comes to leading lady or concept ng projects, she is always supportive. ‘Yung mga utak namin, hindi naman nagkakalayo. Ang isip niya, isip matanda, ako, isip bata. Wala talaga kaming problema,” aniya pa.
Actually, ang madalas lang daw nilang “pagtalunan” bilang mag-asawa ay kung ano ang uulamin nia sa bawat araw, “Ganu’n lang kababaw. Kung gusto ko tocino, siya gusto niya pusit, ayos lang. Gawin nating tocino with pusit. Tapos ang usapan.”
https://bandera.inquirer.net/297521/mmff-magbabalik-sinehan-8-official-entries-inilabas-na
https://bandera.inquirer.net/301298/bakit-kaya-hindi-pinilahan-ang-unang-araw-ng-mmff-2021
https://bandera.inquirer.net/302224/ritken-fans-galit-na-galit-pa-rin-sa-pang-iisnab-ng-mga-hurado-ng-mmff-kina-rita-at-ken
https://bandera.inquirer.net/297560/direk-cathy-garcia-molina-natupad-na-ang-pangarap-na-mapasama-ang-pelikula-sa-mmff