Kat Alano kinastigo ng bashers, hinamong magsampa ng kaso laban sa nanggahasa sa kanya: ‘Huwag puro dada!’

Kat Alano kinastigo ng bashers, hinamong magsampa ng kaso laban sa nanggahasa sa kanya: Huwag puro dada!

Kat Alano at Vhong Navarro

KUNG may nakikisimpatya at naniniwala sa dating model at VJ na si Kat Alano, marami rin ang nangnenega at nang-ookray sa kanya sa gitna ng kinasasangkutang kaso ni Vhong Navarro.

Walang binabanggit na pangalan si Kat sa sunud-sunod niyang post sa social media tungkol sa taong nanggahasa umano sa kanya, ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Pero ang hula nga ng mga netizen ay si Vhong ang tinutukoy nito dahil nga saktung-sakto raw ang pag-iingay nito sa socmed sa pagkakakulong ng TV host at comedian dahil sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.

Marami ang naghahamon kay Kat na kung talagang gusto niyang makamit ang hustisya sa ginawa sa kanya, magdemanda rin siya tulad ng ginawa ni Deniece at huwag lang sa socmed magsumbong.


Sabi naman ng dating VJ, bakit daw parang siya pa ang nasisisi ngayon sa ginagawa niyang paglaban sa karahasan. Aniya pa, sapat na raw para sa kanya ang pagsasalita at paglantad ng katotohanan.

“I can’t explain how painful it has been to be treated like a bad person for speaking the truth,” ang isa sa mga tweet ni Kat kamakalawa, October 1.

“Also I can’t believe that people can destroy others lives in the name of protecting a rapist.

“Who fixes the damage they’ve done to our reputation, livelihood?” dagdag pa niya.

Ni-retweet din niya ang comment ng isang netizen tungkol sa kanya na sinagot niya ng, “How dare you imply that courage only comes through filing.”

“SPEAKING ALONE TAKES SO MUCH.”

“I lost EVERYTHING. They made sure I was DESTROYED.”

“Even though I used to work for them.”

“They do this so you can’t fight. Can’t you see that.”

Sa kabila ng pagpapaliwanag ni Kat  patuloy pa rin ang nararanasan niyang “victim blaming” lalo na mula sa mga supporters ni Vhong na naniniwalang walang kasalanan ang komedyante.

Para naman sa misis ni Vhong na si Tanya Bautista, darating din ang araw na mapapalaya ang Kapamilya comedian-TV host dahil nasa panig daw sila ng katotohanan.

“I know it’s a non-bailable case, but we have strong evidence that it didn’t happen. Yeah, sobrang strong. Kaya nga po naipanalo namin iyan several times, di ba? Ni-reverse lang,” sey pa ni Tanya.

“Kasi si Vhong yung victim, di ba? Si Vhong yung victim. He may have cheated on me. Sa akin siya may kasalanan. Pinatawad ko na siya,” diin pa niya.
https://bandera.inquirer.net/324461/vj-tv-host-kat-alano-nakamit-na-ang-hustisya-matapos-gahasain-ng-kilalang-celebrity-17-years-ago
https://bandera.inquirer.net/324657/kat-alano-umalma-sa-pamba-bash-na-natatanggap-akala-nyo-madali-ito

https://bandera.inquirer.net/320519/vhong-navarro-kinampihan-ng-ex-wife-na-si-bianca-lapus-the-truth-will-prevail-walang-iwanan
https://bandera.inquirer.net/324657/kat-alano-umalma-sa-pamba-bash-na-natatanggap-akala-nyo-madali-ito

Read more...