Joross Gamboa nawalan ng trabaho matapos operahan sa paa; walang problema kahit pa-extra-extra

Joross Gamboa nawalan ng trabaho matapos operahan sa paa; walang problema kahit pa-extra-extra

Joross Gamboa

MATAGAL-TAGAL ding hindi nakapagtrabaho ang Kapamilya actor na si Joross Gamboa dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya bago magtapos ang 2021.

Ayon kay Joross, nawalan daw talaga siya ng mga proyekto nu’ng mga panahong yun dahil matagal-tagal din siyang nagpagaling matapos operahan ang kanyang paa dahil sa natamong injury habang nagba-basketball.

Kaya naman, todo-todo ang pasasalamat ng aktor sa ABS-CBN dahil nabibigyan na uli siya ngayon ng mga projects kabilang na ang 3rd season ng romcom-family series nila ni Roxanne Guinoo na “Hoy Love You”.

Bukod dito, kasama rin siya sa Pinoy version ng hit Korean series na “Flower Of Evil” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe, “Flower of Evil,” at sa sitcom na “My Papa Pi” with Piolo and Pia Wurtzbach naman.

“Sobrang blessed nu’ng nararamdaman ko talaga. Kasi galing ako sa aksidente. Naputol ‘yung achilles ko. Nawalan ako ng mga movies. Nawalan ako ng teleserye.


“Pero pinagpe-pray lang namin. Hindi kami nagpe-pray for na humihingi. Puro thanksgiving ‘yung ginagawa namin,” ang pahayag ng aktor sa ginanap na presscon ng “Hoy Love You” recently.

Aniya pa, “Puro pasasalamat lang pinagdadasal namin. Sobrang overwhelming lang kasi si God talaga bine-bless tayo.”

Samantala, inamin ni Joross na hindi naman daw talaga niya pinangarap na sumikat nang bonggang-bongga. Okay na raw sa kanya ang magtagal sa mundo ng showbiz.

“Never kong pinangarap sumikat. Ang nakikita ko na itong binibigay sa akin ay trabaho, to provide for my family. Kung simpleng role lang…ako nga mahilig akong mag-cameo, mag-extra-extra, okay lang sa akin. If its their time to shine, kumbaga, willing ako mag-support.

“Hindi ito pasikatan e. ‘Yun ang na-realize ko sa industriya. Hindi ito sa kung sino ang sikat. Merong time para mag-shine ka, merong iba magsha-shine at suportahan mo dapat sila,” aniya pa.

Nabanggit din niya na may pagkakataon na gusto siyang i-groom ng ABS-CBN na maging leading man pero feeling niya hindi raw ito bagay sa kanyang personality.

“Yung paging makulit, ‘yung humor, hindi ko mabitawan. Eh, kailangan pag leading man iba ang dating, the way you talk,” katwiran ng aktor.

Dagdag ni Joross, masaya na raw siya sa pagpapatawa at mas nakikita niya ang sarili na isa pa ring comedian paglipas ng mahabang panahon.

Napapanood ang 3rd season ng “Hoy Love You” sa iWantTFC kung saan kasama pa rin nila ni Roxanne sina Carmi Martin, Dominic Ochoa, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Keanna Reeves at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/302178/joross-kat-nawalay-sa-mga-anak-sa-pagpasok-ng-bagong-taon

https://bandera.inquirer.net/324854/hoy-love-you-nina-joross-at-roxanne-ikinukumpara-sa-john-en-marsha-sina-dolphy-at-nida-blanca
https://bandera.inquirer.net/324854/hoy-love-you-nina-joross-at-roxanne-ikinukumpara-sa-john-en-marsha-sina-dolphy-at-nida-blanca
https://bandera.inquirer.net/303305/jodi-super-favorite-raw-ng-abs-cbn-kaya-sunud-sunod-ang-trabaho-grabe-naman-nagkataon-lang-siguro

Read more...