SA gitna ng pagkabwisit at pagkaimbiyerna ng mga netizens sa nangyari kay Sharon Cuneta sa South Korea, may panawagan naman ang Megastar sa mga kapwa niya Filipino.
Nakiusap ang singer-actress at TV host sa kanyang fans at social media followers na huwag nang banatan at sumama ang loob sa luxury brand na Hermès.
Ito’y matapos ngang hindi papasukin ng sales clerk si Mega sa isang Hermès boutique sa South Korea recently.
“Gusto kong bumili ng sinturon sa Hermes, ayaw akong papasukin,” ang natatawang reklamo ni Sharon. At dahil dito, lumipat ang Megastar sa Louis Vuitton para doon mag-shopping.
Marahil ay nabasa na ni Shawie ang reaksyon ng mga fans kaya nag-post siya sa kanyang Instagram account at nanawagan na huwag nang i-bash ang naturang brand.
Aniya, may mga sinusunod lang daw na protocols ang staff nito tulad din sa mga branded stores sa Amerika.
Hanggang ngayon kasi ay ipinatutupad pa rin daw doon ang kontroladong pagpapapasok ng mga tao sa mga piling shops.
May ilang branded stores pa nga raw na kailangan pang magpa-appointment ang kanilang mga customers. Ang Hermès daw ay may appointment scheduling sa pamamagitan ng cellphone.
Bahagi ng IG post ni Mega, “For Part 3 of our Seoul-searching in our recent Korea trip, my family and I spent one Sunday together just enjoying each other’s company and looking for good places to eat our favorite Korean food.
“I also love walking around the streets of Seoul so join me as I did a bit of exploring as well.
“Hope you enjoy Part 3 of our Korea trip! Love you all, God bless you (heart emoji),” chika pa ng misis ni Kiko Pangilinan.
Dugtong pang chika ni Shawie, “P.S. Don’t feel bad about Hermès not letting me in! Lots, if not all name—brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time—sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store.
“Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang.
“Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!” hirit pa ni Mega.
Bukod kay Kiko, kasama rin ni Sharon na namasyal sa South Korea ang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan.
Sa isang bahagi naman ng vlog ng aktres makikita na halos pinakyaw na niya ang mga items sa Louis Vuitton. At bago tuluyang umalis, dumaan uli si Mega sa Hermès store na hindi nagpapasok sa kanya.
“No more, I buy everything,” ang sey pa ng aktres sa salesman ng Hermès na hindi nagpapasok sa kanya sa binabantayang shop.
https://bandera.inquirer.net/305009/pia-ibinandera-na-rin-ang-pag-aaring-branded-stuff-heart-made-me-do-it-nakikiuso-lang
https://bandera.inquirer.net/284193/iya-hinding-hindi-bibili-ng-mamahaling-bag-sayang-ang-pera
https://bandera.inquirer.net/314398/kapuso-stars-na-napili-sa-running-man-ph-ibabandera-na-bukas-sa-24-oras-2-buwan-magsu-shooting-sa-korea
https://bandera.inquirer.net/319914/liza-soberano-kabog-ang-first-tv-guesting-sa-south-korea