Robin hindi inoperahan sa puso, hirit ng asawa: Sabi ng doctor, ‘OK ang heart niya puro Mariel lang ang nakita ko!’

Robin hindi inoperahan sa puso, hirit ng asawa: Sabi ng doctor, 'OK ang heart niya puro Mariel lang ang nakita ko!'

Mariel Rodriguez at Robin Padilla

WALANG operasyong ginawa kay Sen. Robinhood Padilla tulad ng mga nasulat. Sumailalim lamang siya sa angiogram procedure para malaman kung may mga bara ang puso niya sanhi ng hindi pagbaba ng mataas niyang blood pressure.

Ang ibig sabihin ng angiogram procedure according to Google ay, “In coronary angiogram, a catheter is inserted into an artery in the groin, arm or neck and threaded through the blood vessels to the heart.

“A coronary angiogram can show blocked or narrowed blood vessels in the heart. A coronary angiogram is a procedure that uses X-ray imaging to see your heart’s blood vessels.”

Baka kasi na-confuse ang netizens sa ipinost ng wifey ni Sen. Robin na mga larawan niya habang nasa hospital bed.


Ang caption ni Mariel, “We had a successful heart procedure, it’s been a rollercoaster of emotions for us but now ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay.

“Thank you for your prayers, we want to thank our cardiologist Dr. Lopez and Dr. Javier, all the nurses, med tech, people from admission and everyone in @asianhospitalph ofcourse Dr. Rodney Fernan and Dra Agnes del Rosario and nurses in @cardinalsantos big big thanks to @betchayvidanes and the OSRP staff praise God!!!” aniya pa.

Nagpadala kami ng mensahe kay Mariel habang sinusulat namin ito kung kumusta na ang senador at ang dahilan ba ng pagtaas ng blood pressure niya ay dahil sa pagsita niya kay DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na hindi nito nagustuhan ang sagot.

Tawang-tawa si Mariel sa tanong namin, “Ahhahahahahahaa tawang-tawa ako Reg. Always matagal na ‘yung mataas ang BP niya. Tapos nag-stress test may nakita.”

Kaya naka-schedule sana ng angioplasty operation si Binoe, pero hindi natuloy dahil, “Nu’ng nag-angiogram kami, nakita na perfect ang heart.

“Sabi sakin nu’ng doctor, ‘okay ang heart niya puro Mariel lang ang nakita ko.’ Hahahahahahaha. So perfect hindi na kami nag angioplasty hehehehe,” masayang sabi ni Mariel nang maka-chat namin through Instagram.

At base rin sa panayam sa tatay nina Isabela at Gabriella sa News 5, “Wala akong sakit na kahit ano.  Nangyari lang nagka-high blood ako after elections. Magmula sa Spain hindi na bumaba ang BP ko.

“Ginawa ng Cardinal Santos ang test sa endoscopy, colonoscopy para tignan ang laman loob ko, pasado lahat.  Ginawa ang 2d echo ng puso may nakita sila na kailangan magpatingin sa cardiologist.

“Pumunta ako ng Asian Hospital, pinag stress test ako may nakita raw sila na parang may barado ang puso kaya ako nagpa heart procedure,” paliwanag ng senador.

https://bandera.inquirer.net/314880/robin-naospital-sa-spain-nagdilim-ang-paningin-ko-bumagsak-ako-sa-may-puno-hilung-hilo-ako
https://bandera.inquirer.net/291996/angeline-sa-mga-gustong-magparetoke-go-hindi-mo-naman-ninakaw-yung-pera-mo
https://bandera.inquirer.net/289870/asawat-anak-ni-nadine-samonte-sasailalim-sa-angiogram-at-eye-surgery-kapit-lang-prayers-lang
https://bandera.inquirer.net/305834/kryz-uy-nagreklamo-sa-medical-technologist-na-kumuha-ng-blood-sample-ng-anak-pero-nag-sorry-din-agad

Read more...