TRULILI kaya na may kinalaman ang sikat na TV Personality sa pagkakakuha kay Toni Gonzaga-Soriano bilang bagong endorser ng Shopee Philippines?
Ito ang balita ni Ate Dick na guest co-host ni Ogie Diaz sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh na naka-upload na ngayon.
“May source ako Mama Ogs, balita ko may isa raw TV personality na nagtsika na ipasok siya (Toni) doon kasi nga wala na siyang endorsement,” kuwento ni ate Dick.
“So itong TV personality tinulungan si Toni para irekomenda siya sa Shopee?” tanong ni Ogie.
“Oo, ang regional daw ang nag-approve na hindi sa Pilipinas kaya wala silang alam sa background o anumang mga isyu ng tao kay Ms. Toni kaya nasabi nila walang political ang pagkuha nila kay Toni,” tsika ni ate Dick.
At kinlaro rin na hindi malaki ang talent fee ni Toni sa nasabing online app, “Hindi, sabi ng source ko, ang barat nga raw.”
“Anyway, may mga naniniwala pa rin naman kay Toni bilang endorser,” saad ni Ogie.
Ilang araw na kasi ang nakalipas pagkatapos i-launch si Toni bilang bagong pamilya ng nasabing e-commerce platform ngayon at trending pa rin siya dahil marami na ang nag-uninstall ng kanilang apps at maging mga sellers ay marami na rin ang kumalas.
“Dinilete nila ‘yung Shopee app para doon na lang daw sila sa Lazada. Sa lahat ng social media ay umingay si Toni at literal na umingay din ang Shopee at ‘yung iba na naniniwala kay Toni ay okay sa kanila at karamihan ng nababasa namin ay hindi pabor na kinuha si Toni,” sabi ni Ogie.
At lumakas daw ngayon ang Lazada dahil sa kanila naglipatan ang ibang buyers.
“Oo kasi nag-#1 trending din ito sa Twitter. Kasi ‘yung Shopee may nagsabing #goodbyeshopee, #byeshopee,” say pa ng content creator at talent manager.
Dagdag naman ni Ate Dick, “Puwede na nga sabihin ng Lazada na, ‘salamat Shopee!'” Na sinang-ayunan naman ni Ogie.
Isa pang ikinaiinis ng netizens ay ang pagiging unbothered ni Toni. Kumbaga, kuda nang kuda ang may ayaw sa kanya pero dedma lang ang TV host-actress-producer at pinasalamatan pa nga niya ang mga taong may gusto sa kanya.
Sabi pa ni ate Dick, “Tama talaga ang sinasabi nilang mass appeal ni Toni kasi mantakin mo, si Toni lang ang dahilan para matigil ang pag-o-online shopping ng mga tao (mga nag-delete). Ha-hahaha!”
Dagdag pa, “At least yun lang ang in-endorse ni Toni, isipin mo kung Grindr at Tinder (online dating app) ang hirap yatang i-uninstall ‘yun, di ba? Kaya ang suwerte pa rin ng mga bakla, di ba?”
Nagkatawanan na lang sina Ogie, Ate Dick at Dyosa Pockoh.
https://bandera.inquirer.net/325360/toni-gonzaga-bagong-endorser-ng-online-shopping-app-netizens-na-bad-trip-nagbanta
https://bandera.inquirer.net/325377/jaime-fabregas-nag-delete-na-rin-ng-account-sa-online-shopping-app-nagkaroon-ng-mas-malalim-na-dahilan
https://bandera.inquirer.net/311869/ate-dick-waiting-sa-bwelta-ni-juliana-parizcova-matapos-iendorso-ni-vice-si-vp-leni
https://bandera.inquirer.net/312294/juliana-parizcova-segovia-inaatake-raw-ng-alaga-ni-vice-ganda-meme-pinag-aaway-po-ba-niya-tayo