Drug test muna sa mga artista bago sumabak sa trabaho…payag naman kaya ang mga taga-showbiz?

Drug test muna sa mga artista bago sumabak sa trabaho...payag naman kaya ang mga taga-showbiz?

Dominic Roco (Photo: ctto)

KAILANGAN bang magpa-drug test muna ang mga artista at iba pang nagtatrabaho sa entertainment industry bago tumanggap at sumabak sa kanilang mga projects?

Para kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, naniniwala siya na tama lang na sumailalim sa mandatory drug testing ang mga celebrities bago sila makapagtrabaho.

Ngayong araw, naglabas ng pahayag ang kongresista, na siyang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, tungkol sa nasabing issue.


Ito’y matapos ngang maaresto ang aktor na si Dominic Roco, at ang kanyang mga kasamahan sa isang buy-bust operastion na isinagawa ng mga operatiba ng Quezon City police.

“Actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth. They would be setting bad examples if they would be involved in the use of drugs, or worse selling drugs,” ang pahayag ng kongresista.

Dagdag pa niya, “Alam ko na halos lahat ng ating mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng illegal na droga. Pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga.”

Panawagan ni Barbers, “Kaya hinihiling at hinihikayat ko ang hanay ng ating movie industry na tumulong sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police ng kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test bago bigyan ng pelikula.”

Sa ulat ng pulisya, nakorner si Dominic Roco at apat pa niyang mga sa anti-drug operation na isinagawa sa isang townhouse sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon ng umaga.

Sabi pa sa report, huli umano sa aktong gumagamit ng ilegal na droga ang aktor at isa pang suspek habang ang dalawa naman ay sinasabing bumibili daw ng droga.

Sasampahan ang mga naarestong suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2022.

Sa isang panayam, sinabi ng chief for investigation na si P/Lt. Anthony Daquel, nagreklamo ang ilang residente sa Brgy. Holy Spirit sa kahina-hinalang mga kaganapan sa isang bahay doon.

“Napapansin nila na kung sinu-sino yung pumapasok (sa bahay), hindi naman tagarito. Then may masangsang palagi na amoy ‘
Kapag lumalabas ‘tong mga ‘to (suspek). Mga magbabarkada yan, eh. Dito na nagpupuntahan. Minsan, bibili lang din, aalis,” pahayag ni Daquel.

At nang mangyari na nga ang buy-bust operation, sabi ng opisyal ng PNP, “Nagtakbuhan sila. May pumanik sa taas. Yung dalawa dito, yung isa, ‘di na nakatakbo kasi malaki ang katawan, eh.”

Nasamsam sa sinugod na bahay ang 15 gramo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P100,000, at 10 gramo ng umano’y “kush” worth P14,000.

Nang tanungin si Dominic Roco kung ano ang masasabi niya sa pagkakaaresto sa kanila ng pulisya, “No comment.”

Ang tanong, payag kaya ang mga TV station at film production companies at iba pang mga taga-entertainment industry sa mandatory drug test?

https://bandera.inquirer.net/319636/kampo-ng-pinaslang-na-ex-mayor-sa-ateneo-campus-umalma-sa-isyu-ng-ilegal-na-droga-that-is-not-true

https://bandera.inquirer.net/311335/dominic-roco-inakalang-mahirap-kasama-si-xian-lim-napakabait-na-tao-at-hindi-siya-plastik

https://bandera.inquirer.net/325428/dominic-roco-arestado-sa-drug-buy-bust-operation-sa-quezon-city

https://bandera.inquirer.net/293522/bea-dominic-sumabak-sa-bagong-challenge-hindi-tayo-dapat-pabigla-bigla-baka-mag-away-tayo

Read more...