MATAPANG na sinagot ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang mga epal at bastos na bashers sa social media.
Sa latest vlog ng aktres sa YouTube, na in-upload last Wednesday, September, 28, isa-isa niyang sinagot ang mga isyung ibinabato sa kanya ng mga haters.
Mula sa mga dati niyang mga nakarelasyon, showbiz career, pananamit at panghuhusga sa kanyang pagkatao at ugali.
May netizen na nagkomento sa isang sexy photo ni Barbie sa Instagram ng, “Nagpakita ka ng katawan mo na naka-swimsuit. May nag-Photoshop, pinahubad ka. Pareho rin, nagpabastos ka sa sarili mo. In the first place ‘di ka na sana nag-post.”
Bwelta sa kanya ng aktres, “Wala kang pakialam kung anong gusto kong suotin, okay? Kasi hindi naman ikaw bumili nung swimsuit ko, at hindi rin naman ikaw nag-picture sa akin.
“Second, kahit anong suot ng babae, hindi dapat binabastos ‘yung babae. For me, kung sexy ‘yung pananamit ko, hindi naman n’un dine-define ‘yung pagkatao ko,” mariin pang depensa ni Barbie.
Sinagot din ng dalaga ang hirit ng basher, “’Di maka-move on si Barbie. Hahaha. Paano, wala nang lalaki seseryoso sa kanya. Laspag na kasi.”
Resbak sa kanya ng aktres, “Grabe naman maka-laspag, teh. Gusto kong magsabi ng masasamang words pero….First of all hindi naman ako laspag. Hello! Hindi ako laspag and I’m proud to say that.”
Sa tumawag naman sa kanya na isang “microstarlet”, “Ikaw, sino ka ba? Grabe naman ‘yung mga comments na ‘to. Wala na bang mas masakit diyan? ‘Yun na ‘yun?”
Ito naman ang sagot ni Barbie sa tumawag sa kanya ng malandi “Malandi talaga ako sa isang tao kapag in a relationship ako. Nilalandi ko talaga nang sobra ‘yung boyfriend ko.
“Pero hindi ako malandi. As in proud talaga po ako sabihin na hindi ako ‘yung babae na kerengkeng agad agad. Hindi ako ganu’n,” dagdag pa niya.
Ipinagdiinan ni Barbie na kahit sanay na siya sa panglalait at pangbabastos ng netizens ay may pagkakataon pa rin na naaapektuhan siya.
“To be honest, tao lang din naman. Medyo nakakaapekto rin siya ng mood. But ako kasi, I make sure na hindi pumapasok sa utak ko lahat ng sinasabi ng mga tao. And siyempre matagal tagal na rin ako sa showbiz kaya medyo sanay na rin ako,” sabi ni Barbie.
Ito naman ang message ng dalaga sa mga tulad niyang palaging biktima ng haters, “If you know naman kung ano ‘yung pagkatao mo, if hindi naman totoo ‘yung mga sinasabi nila, basahin mo lang.
“But if mali talaga ‘yung ginawa mo, I think magandang way din ‘yun… kahit sobrang sakit ng mga sinasabi ng tao.
“Ako kasi kapag bina-bash nila ako tapos alam ko na mali ako, parang gagamitin ko siyang way para mag-improve ako lalo.
“Kasi hindi naman lahat ng bashers nandyan lang para saktan ka. Kumbaga ‘yung ibang bashers, [gusto lang nila ng] character development,” sey ni Barbie.
“So ako very thankful ako kapag may mga nangba-bash sa akin especially kapag may something about me na hindi tama. Kasi mas naco-correct ko siya.
“At lagi kong gustong patunayan sa kanila na, okay, if you’re saying this about me, panoorin mong mag-improve ako,” dagdag pa niya.
https://bandera.inquirer.net/320334/hindi-ko-pinaretoke-ang-ilong-at-boobs-ko
https://bandera.inquirer.net/310037/lovelife-hugot-ni-barbie-imperial-ang-bilis-kong-ma-in-love-ang-dami-kong-bubog-sa-buhay
https://bandera.inquirer.net/305495/barbie-imperial-sa-mga-iniwan-ng-dyowa-ok-lang-na-masaktan-tao-lang-naman-tayo
https://bandera.inquirer.net/298864/minsan-nagkakapikunan-din-kami-ni-diego-mapang-asar-kasi-siya