HINDI in-expect ng Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na tatagal ng 11 years ang kanilang loveteam.
Naniniwala ang reel and real life sweethearts na isa talaga sa mga dahilan kung bakit umabot ng mahigit isang dekada ang kanilang tambalan ay dahil sa unconditional love ng milyun-milyong KathNiel fans.
Kaya naman todo-todo ang pasasalamat nina DJ at Kath sa kanilang loyal supporters na patuloy na nagmamahal sa kanila mula noon hanggang ngayon.
Sa katunayan, talagang naglaan sila ng oras at panahon para personal na magpasalamat sa kanilang mga fans bilang bahagi na rin ng 11th anniversary ng kanilang loveteam.
Sey ng magkarelasyon, feeling nila ay napakabilis ng panahon dahil parang kailan lang daw nu’ng una silang magsama sa isang Kapamilya project.
“I know, grabe ‘yung 11 years na yun sa totoo hindi namin namalayan na 11 years na, ‘Yun ang bills ng lahat ng mga nangyari,” pahayag ni Kathryn sa isang panayam.
Aniya pa, “But then ang purpose naman talaga ng event ngayon is like thanksgiving dinner kasi nag-10th year anniversary but because of the pandemic hindi na namin na celebrate hanggang sa nag-11th na.”
Para naman kay DJ, “Yeah 11 years parang hindi mo na rin napapansin kasi ang bilis ng panahon.
“Kaya nandito kami ngayon para magbigay ng pasasalamat para sa 11 years na suporta na ibinibigay nila sa amin and siyempre ang loyalty na ibiniigay nila sa amin,” dugtong pang pahayag ng aktor at singer.
Sa tanong kung anu-ano ang mga natutunan nila sa 11 taong pagsasama bilang magka-loveteam, sagot ni Kath, “Mas mamahalin ka ng tao, kapag ipinakita mo ang totoo sa iyo.
“Kasi ganu’n kapag fan e, ako fan rin naman ako ng ibang tao pero mas ina-idolize mo ang isang tao kapag nakikita mong totoong tao siya. So ayun siguro, ayun ang natutunan namin na tatanggapin nila kami, kahit na ano pa,” aniya pa.
Pero ano nga kaya ang sikreto nina Kath at DJ sa matibay at solid na solid pa rin nilang tambalan?
Sagot ni Daniel, “Hard work. Kasama na rin yung suporta ng mga fans. Siyempre pangalawa ‘yung trabaho na ibinibigay namin pareho ni Kathryn for every project na ibinibigay rin sa amin, the effort, the love. Wala naman talagang secret e, you just work hard for it.”
Samantala, feel na feel ni Kathryn na kasabay talagang nilang nag-grow ang kanilang fans na magaganda na rin ang buhay at may kanya-kanya na ring trabaho at pamilya ang ilan sa mga ito.
“Actually nag-grow kami ni DJ individually and also together as a team as a loveteam and alam mo ‘yung nakakatuwa, kasi kasama namin nag-grow pati ang mga fans.
“And ‘yun ang sinasabi namin sa kanila palagi na dapat, sabay-sabay kami sa lahat and ayun nakakatuwang makita na ‘yung iba naka-graduate na, ‘yung iba nagta-trabaho na and ‘yung iba may pamilya na.
“So parang ‘yung journey na ito, parte talaga sila e, kasabay namin sila mag-grow and nakakatuwa lang talaga na akita na hanggang ngayon, andyan pa rin sila tuloy-tuloy and parang walang nag-bago so napaka-suwerte namin,” sey pa ni Kathryn.
https://bandera.inquirer.net/312772/kathryn-daniel-ibinandera-ang-isang-dekadang-relasyon-aamin-na-ba-kung-anong-sikreto
https://bandera.inquirer.net/309151/donny-kay-belle-wala-rin-akong-nakikitang-ibang-gusto-o-makasama-kundi-siya
https://bandera.inquirer.net/315696/marco-gallo-sa-intimate-scene-nila-ni-rose-van-ginkel-shes-25-but-she-kisses-like-shes-16
https://bandera.inquirer.net/302709/adrian-lindayag-naging-boses-ng-lgbtq-sa-serye-nina-paulo-at-janine-shookt-sa-reaksyon-ng-madlang-pipol