“NU’NG umuwi ako, nu’ng na-serve na yung warrant of arrest sa rape (case), pag-uwi ko, yung pasok ko sa kuwarto, grabe!”
Yan ang bahagi ng naging pahayag ni Tanya Bautista-Navarro nang tanungin kung ano ang naramdaman niya noong unang gabi na wala sa tabi niya si Vhong Navarro.
Ito yung araw na sumuko at nakulong ang TV host-comedian kaugnay ng kasong acts of lasciviousness at rape na isinampa ng dating model na si Deniece Cornejo.
Ayon kay Tanya, matinding lungkot at sakit ng dibdib ang naramdaman niya nang makauwi na siya sa bahay matapos dalawin ang asawa sa detention centee ng National Bureau of Investigation.
“Yung pinigil ko nu’ng time na nandoon ako na kasama niya, bumuhos lahat. Hindi ko ma-contain,” ang naiiyak na pahayag ni Tanya nang makausap ng ilang miyebro ng entertainment media kamakailan.
“Hindi ko mabuo yung mga kailangan niyang gamit. Pero kailangan mo ring umalis dahil hinihintay niya.
“Tapos, akala ko tapos na doon. So, nu’ng umuwi ulit ako, yun na naman. Iyak na naman ako. Sabi ko, parang hindi ko yata kayang matulog sa kuwarto. Pero trinay ko kasi masokista ako. So, tinray ko.
“Mababaw ang tulog kasi nagi-guilty ka. Nagi-guilty ka kasi masarap ang higaan mo. ‘Tapos siya, hindi mo alam kung ano yung hinihigaan niya,” lahad pa ni Tanya.
Sa tanong naman kung ano ang pinakakinatatakutan niya ngayon sa sitwasyon ni Vhong, “Kung may mangyari sa kanya. Wala siyang kasama. Yung security niya. Kaya bumabalik yung anxiety, yung trauma. E, nangyari na, e. Posible ulit mangyari.”
Ito naman ang message niya para sa nakakulong na asawa, “Si Vhong, sobrang mahal na mahal ko. Uhm, huwag na huwag mong iisipin na iiwan kita. Lagi na siyang ganyan. Iyon yung greatest fear niya.
“Sinasabi ko sa kanya, ‘Kung iiwan kita, dapat noon pa. Nung hindi tayo kasal, kung nangyari ‘to, mag-boyfriend-girlfriend pa lang tayo, hindi kita hinatid sa ospital.
“’O kaya, nung nakikita ko na medyo okay ka na, iwan na kita. Hindi. Umabot tayo dito.
“’Lalo kong nakita kung gaano ka kabuting tao. Nagpakasal tayo. So, never, never think na iiwan kita sa laban na ‘to,’” sabi ni Tanya.
Patuloy na ipinagdarasal ni Tanya na sanay makapagpiyansa na sila para sa kasong rape na isinampa laban sa komedyante.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang ibinibigay na update ang legal team ni Vhong, sa pangunguna ni Atty. Alma Mallonga, hinggil sa inihain nilang “petition for bail” sa Taguig Court.
“I know it’s a non-bailable case, but we have strong evidence that it didn’t happen. Yeah, sobrang strong. Kaya nga po naipanalo namin iyan several times, di ba? Ni-reverse lang,” sey pa ni Tanya.
“Kasi si Vhong yung victim, di ba? Si Vhong yung victim. He may have cheated on me. Sa akin siya may kasalanan. Pinatawad ko na siya,” diin pa niya.
Kasunod nito, nag-post naman ang abogado ni Deniece na si Atty. Topacio sa Facebook tungkol sa pagpapa-interview ni Tanya sa media, “Now preparing contempt charges against Atty. Alma Mallonga and Vhong Navarro’s wife for making statements that are sub judice in nature.
“We will not sit idly by while some people again make a mockery of justice by having another trial by publicity. THEY WILL BE HELD LIABLE!”
Bago pa maglabas ng statement ang abogado ni Deniece nilinaw na ni Tanya na, “Hindi ako sumasagot on anything related about yung particulars, lalo na kapag hindi na ako comfortable.
“But ako, kung ano lang, I mean, yung questions ninyo naman so far ay gusto ninyo lang malaman kung kumusta siya, kumusta kami as a couple. Or kumusta ang family niya. Yun, dini-describe ko lang,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/325287/vhong-humagulgol-sa-kulungan-nang-iwan-na-ng-asawa-makikita-mo-talaga-sa-mukha-niya-bagsak-pinipilit-niyang-kumain
https://bandera.inquirer.net/324681/asawa-ni-vhong-navarro-natatakot-para-sa-seguridad-ng-tv-host-comedian
https://bandera.inquirer.net/323244/vhong-kay-misis-maraming-salamat-mahal-dahil-lagi-kitang-nasa-tabi-sa-hirap-at-sa-ginhawa
https://bandera.inquirer.net/304849/willie-revillame-hindi-iiwan-ang-gma-ayon-kay-cristy-fermin