Derrick Monasterio waging Outstanding TV Actor of the Year; nagbigay ng tips para magkaroon ng ‘yummy & hunky body’

Derrick Monasterio waging Outstanding TV Actor of the Year; nagbigay ng tips para magkaroon ng 'yummy & hunky body'

Derrick Monasterio

TODO ang pasasalamat ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio sa bagong blessing na kanyang natanggap kamakailan.

Wagi ang “Return To Paradise” lead star bilang Outstanding TV Actor of the Year sa katatapos lamang na 2nd Diamond Excellence Awards.

Ibinandera ni Derrick ang good news sa kanyang Instagram account kalakip ang kanyang litrato hawak ang natanggal na parangal. Aniya, ito ang kauna-unahan niyang acting award mula nang pumasok sa mundo ng showbiz.

Bukod sa Outstanding TV Actor of the Year, siya rin ang itinanghal na Male Star of the Night sa nasabing event.

“Thank you 2nd diamond excellence awards for recognizing my talents, hardwork, and sacrifices. #1stActing Award.

“And oh, thanks for this unexpected male star of the night too,” ang inilagay niyang caption sa kanyang IG post.


Bumuhos naman ang pagbati kay Derrick mula sa kanyang mga fans at celebrity friends.

“Congrats pogiii!” ang comment ni Kristoffer Martin.

“Congratulations brother!” sabi naman ni Rodjun Cruz.

“Congrats brodie!!!” mensahe naman ni Gil Cuerva.

Pagbati ni Barbie Imperial, “Idol!”

Binati rin siya ng leading lady niya sa hit Kapuso afternoon series na “Return To Paradise” na si Elle Villanueva, “Proud of you deedee!!”

Samantala, maraming netizens naman ang nagtatanong kung paano name-maintain ng binata ang kanyang hunky body na talaga namang pinapantasya ng mga beki.

Ayon kay Derrick, kailangan lang talaga ng disiplina at dedication para mapanatili ang fit and healthy body.

“Maging consistent lang sila kasi ‘yung pinakamahirap d’yan ‘yung first few days to first two weeks. Kapag na-overcome nila ‘yon, magiging routine na sa kanila ‘yon na parang second nature na nila ang fitness.

“Ganoon lang din ako, e. Tinry ko lang talagang ilagay siya sa schedule ko hanggang sa hinahanap na siya ng body ko. Consistency lang talaga,” pahayag ni Derrick sa panayam ng GMA.

Dagdag pa niya, proper diet at workout ang ilan sa ginawa niyang paghahanda para sa kanyang role bilang Red Ramos sa “Return To Paradise.”

“I had to trim down kasi bago ako pumasok sa show, medyo bulky ako. Kailangan ko magpaliit ng kaunti. Working out pa rin and diet,” aniya.

Anyway, napapanood pa rin ang palaging trending at hataw sa ratings na “Return To Paradise” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

https://bandera.inquirer.net/291737/derrick-gustong-maging-katulad-ni-hidilyn-diaz-super-idol-si-richard-gomez

https://bandera.inquirer.net/323809/derrick-monasterio-mabenta-sa-mga-beki-elle-vilanueva-nagpapaseksi-pero-wholesome-pa-rin

https://bandera.inquirer.net/320938/gma-7-naka-jackpot-sa-hot-na-hot-na-loveteam-nina-derrick-at-elle-sanya-tuloy-ang-laban-kontra-bullying
https://bandera.inquirer.net/307539/derrick-monasterio-mas-handa-nang-sumabak-sa-matitinding-role-dahil-sa-pa-workshop-ni-ana-feleo

Read more...