Mavy umamin kay Kyline: Kapag may pinagdaraanan ka, nahe-hurt din ako…doon ko na-realize na ‘shocks, iba na ‘yung feeling ko’

Mavy umamin kay Kyline: Kapag may pinagdaraanan ka, nahe-hurt din ako...doon ko na-realize na 'shocks, iba na 'yung feeling ko'

Kyline Alcantara at Mavy Legaspi

MATINDI pala talaga ang “tama” ng Kapuso actor-TV host na si Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara.

Grabe ang nga rebelasyon ng binata patungkol sa nararamdaman niya ngayon para sa kanyang ka-loveteam sa bagong episode ng kanilang video podcast na “MavLine on Me.”

In fairness, mukhang botong-boto naman ang parents ni Mavy na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kay Kyline at ganu’n din ang family ng young actress sa binata.

Tanggap na tanggap na rin ng mga fans ang relasyon ng kanilang mga idol kaya naman marami ang nagre-request na sana’y mabigyan na ng launching project sa GMA 7 ang magka-loveteam.

Sa bagong entry nga ng “MavLine on Me,” naging open si Mavy sa pagkukuwento kung kailan niya naramdaman na higit pa sa kaibigan ang turing niya kay Kyline.

“The first time na na-realize ko na hindi lang kaibigan si Kyline para sa’kin is ‘yung nagiging close na tayo (Kyline) sa AOS (All Out Sundays).


“Umalis na si Cassy (Legaspi, kakambal niya) para mag-prep for First Lady and all that. Tayo na lang naging close kasi umalis na si Migo nangibang bansa.

“Tapos there was a time na kami ni Ky, medyo awkward nu’ng una kasi galing tayo sa apat, eh,” simulang pagbabahagi ng binata.

Pagpapatuloy niya, “After that mas nagiging close and all that tapos siyempre nag ha-heart to heart [talk] na. You (Kylinel always open up to me about everything. As in everything.

“And during those times mas na-realize ko na ‘Shocks, I really want to protect this girl,’ iba na talaga ‘yung feeling. Hindi ‘yung protect her as my friend. But iba na ‘yung pagmamahal ko sa kanya na I don’t want anyone to ever hurt her again.”

“Kapag may mga issue ka, nahe-hurt din ako, two times, three times for you. If you’re going through something, nahe-hurt din ako. Doon ko na-realize na shocks, iba na talaga ‘yung feeling na ‘yun,” pag-amin pa ni Mavy.

Siguradong ikinakilig din ng mga fans ang rebelasyon ng binata tungkol sa mga “slow mo” moments niya sa mga pagkakataong nagkakasama at nagkikita sila ni Kyline.

“Kapag nakikita kita anytime we have work, nag-i-slow mo ka. Madalas siya nangyayari sa stage (ng All Out Sundays) kapag lumalabas ka. ‘Yan ‘yung slow mo moment ko. At nasasabi kong, ‘Shocks, tumitibok na yung puso ko,’” sabi pa ng aktor.

https://bandera.inquirer.net/307867/kyline-may-3-espesyal-na-katangian-na-bet-na-bet-ni-mavy-mikael-megan-may-ipakikilalang-beauty-queen-sa-the-best-ka

https://bandera.inquirer.net/297281/kyline-pasado-kay-carmina-bilang-dyowa-ni-mavy
https://bandera.inquirer.net/286547/si-kyline-alcantara-nga-ba-ang-mystery-girl-sa-buhay-ni-mavy-legaspi
https://bandera.inquirer.net/286815/mavy-kyline-magtatambal-sa-i-left-my-heart-in-sorsogon-ex-hashtag-member-kapuso-na-rin

Read more...