Tagapagmana ni Mrs. Tourism Universe Hemilyn Escudero-Tamayo kokoronahan na

Tagapagmana ni Mrs. Tourism Universe Hemilyn Escudero-Tamayo kokoronahan na

Reigning Mrs. Tourism Universe Hemilyn Escudero-Tamayo/MEGASTAR PRODUCTIONS PHOTO

Akala ng beteranang konteserang si Hemilyn Escudero-Tamayo nagretiro na siya sa larangan ng beauty pageants, mapa-Miss man o pang-Mrs., hanggang sa katukin siya ng Mrs. Tourism pageant noong nagdaang taon.

Naunang itinakda ang pisikal na pagtatanghal ng patimpalak, ngunit naunsyami ito dahil sa COVID-19 pandemic, kaya nagpasya ang organizer na Megastar Productions sa Pilipinas na magsagawa na muna ng isang virtual competition. Hindi naman nagpatinag si Tamayo sa pagbabago at sa pagsabak sa una niyang online contest, pinatunayan niya pa rin ang husay niya at nasungkit ang korona bilang Mrs. Tourism Universe.

Ngayong taon, tinipon sa Bangkok, Thailand, ang mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa para sa pisikal na pagtatanghal ng coronation night, kung saan hihirangin ang magiging tagapagmana ni Tamayo.

At para sa kanya, nais niyang maisalin ang korona sa isang ginang na “epitomizes and embodies Mrs. Tourism and promotes not only the best places in the world but also the culture, and most especially the people and families of the world,” sinabi ni Tamayo sa Inquirer sa isang online interview.

Makaraang makoronahan noong isang taon, agad na kumilos si Tamayo upang maisabuhay ang mantra ng patimpalak na “a mother who cares for the world.”

Para sa kanya, isinusulong ng mga patimpalak para sa mga ginang at mga ina ang “role of the loving and caring wife and mother, who is the light of the home.”

Sinabi rin niyang napagtanto niya sa pagwawagi bilang Mrs. Tourism Universe “that I can actually do more as a Mrs. both in my home and the community.”

Makaraang maisalin ang kaniyang titulo, sinabi ni Tamayo na patuloy siyang magsisikap “being a better Mrs. and promoting the same advocacy in my home and country, also continue my studies in the field of Psychology and my love for the arts, and probably join more art exhibits in the future.”

Nakamit lang niya kamakailan ang kaniyang master’s degree in psychology, at na-promote pa sa ranggong lieutenant colonel sa Philippine Army Reserve Corps.

Itatanghal ang coronation night ng ika-limang edisyon ng Mrs. Tourism pageant sa Bangkok sa Okt. 2. Maliban sa korona ng Mrs. Tourism Universe, apat pang titulo ang igagawad—Mrs. Tourism World, Mrs. Tourism International, Mrs. Tourism Earth, at Mrs. Tourism Globe.

Si Cyren Bales ang kinatawan ng Pilipinas ngayong taon sa hanay ng 22 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Related Chika:
Beauty queen mula sa Las Piñas, Parañaque, Makati, Aklan winner din sa Miss World PH 2022

Miss Universe PH Tourism 2021 Katrina Dimaranan babu na sa mga pageant, kinakarir ang pagiging nurse sa US

Tourism Ambassador Universe pageantry sa Malaysia inusog sa Hulyo

Read more...