Regine, Ogie nagpa-dinner sa ilang Kapamilya stars, Pops super enjoy: Masakit pa tiyan ko sa katatawa!

Conrad Onglao, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Vice Ganda, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Robi Domingo, Jolina Magdangal a Pops Fernandez

NAGSAMA-SAMA sa isang intimate dinner recently ang ilang Kapamilya stars hosted by celebrity couple Regine Velasquez and Ogie Alcasid.

Nangyari ito sa mismong bahay ng Asia’s Songbird at Ultimate Singer-Songwriter matapos ang isang linggong dire-diretsong pagtatrabaho.

Ang original Concert Queen na si Pops Fernandez ang nag-post ng ilang pictures sa kanyang Instagram account ng mga litrato na kuha sa kanilang get-together.

Nagpasalamat si Pipay kina Regine at Ogie sa pag-iimbita sa kanya at sa iba pa nilang celebrity friends sa kanilang tahanan para muling magkasama-sama sa isang gabing pagba-bonding.


“Maraming salamat @reginevalcasid and @ogiealcasid for last night’s get together…. Masakit pa ang tyan ko kakatawa… ang saya din mag recall ng mga memories of before,” ang bahagi ng caption ni Pops sa kanyang IG post.

“So nice to be with you guys again…. sobrang miss ko kayong lahat… until our next… thank you again love you all,” dagdag pa ng veteran singer at concert producer.

Sinagot naman siya ni Ogie ng, “Our pleasure having you with us. Ang sarap tumawa!!”

Base sa litratong ibinagagi ni Pops, nakasama rin nila sa pa-dinner nina Regine at Ogie sina Zsa Zsa Padilla kasama ang partner nitong si Conrad Onglao, Jolina Magdangal, Erik Santos, Robi Domingo at Vice Ganda.

Sa comment naman ni Zsa Zsa, isinabay na rin sila sa kanilang get-together ang selebrasyon ng kaarawan nina Robi at Erik.

Nag-post din si Jolens ng litrato na kuha rin sa kanilang dinner na may caption na,”Napakasarap at saya na mapakinggan ang bawat kwento nila tungkol sa buhay dami ko natutunan at puno din ng katatawanan.

“Sobra rin ang sarap ng pakiramdam pag nakikinig din sila sa kwento mo. i am blessed with good people around me… and to be exact.. ICONS,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/322248/ogie-super-proud-kay-regine-flex-ko-lang-ang-asawa-ko-ganyan-siya-kasimple-super-mom-super-wife
https://bandera.inquirer.net/305007/zsa-zsa-biglang-napaiyak-pagkatapos-kumanta-kasama-sina-regine-at-angeline

https://bandera.inquirer.net/322248/ogie-super-proud-kay-regine-flex-ko-lang-ang-asawa-ko-ganyan-siya-kasimple-super-mom-super-wife

Read more...