KINAIN ng Kapuso TV host na si Suzi Abrera ang palagi niyang sinasabi noon na never siyang magpapa-Botox.
Inamin ng “Unang Hirit” host na hindi talaga siya pabor noon sa pagpapa-Botox dahil ang feeling niya, hindi naman niya ito kailangan.
Sa bagong YouTube vlog ng kaibigan niyang si Camille Prats na dati rin niyang co-host sa morning show ng GMA na “Mars Pa More”, nagkuwento si Suzi tungkol sa nasabing anti-aging cosmetic treatment.
“I remember I was talking to a friend of mine who is a dermatologist, sabi ko, no way ako magbo-Botox,” chika ni Suzi.
Dagdag pa ng TV host, “Una, no way ako magbo-Botox, period. Tapos, no way ako magbo-Botox before 40.”
Pero nang mapansin daw niya at ng kanyang nanay ang mga linya sa kanyang noo, parang nagbago bigla ang pananaw niya sa sikat na sikat na cosmetic treatment.
Kasabay nito, isang kaibigan din niyang dermatologist ang kumumbinsi sa kanya na subukan na ang Botox.
“Makunot kasi ‘yung noo ko, iritang-irita ‘yung nanay ko kapag nanonood ng ‘Mars.’ ‘Anak ‘yung mga lines mo nakalabas’, kasi nakakunot ‘yung noo, kasi expressive talaga ako.
“And my dermatologist friend said bakit ka naghihintay na mag-40? Explanation niya, magdi-deepen na ‘yung lines mo before then. So bago ka magkaroon ng whatever lines, unahan mo na siya,” lahad pa ni Suzi.
Nang tumungtong siya sa edad na 40 ay nagdesisyon na nga siyang magpa-Botox.
“I got my first one before I was 40. Tuwang-tuwa naman ‘yung nanay ko noong nagpa-Botox na ako finally. And people couldnt tell if I was tired. They couldnt tell,” pahayag ni Suzy na nag-celebrate ng kanyang 47th birthday noong nakaraang June.
Samantala, sa isa niyang Instagram post kamakailan inamin din ni Suzi na totoong nahihiya siya noong magkuwento tungkol sa pagpapa-Botox niya.
Pero ngayon, proud na niya itong naibabahagi sa ibang tao, “I used to be so dyahe about admitting that I’ve had botox but now, no big deal na siya. Ha-hahaha!
“It gives me the freshness that I need since I have a lot of lines on my forehead from squinting at the TV prompter and from pretty much anything I do, including just listening to someone tell stories.
“What can I do expressive talaga mukha ko? Smiling and laughing are my faves too so, ayan, more, more lines,” aniya pa.
Chika pa ni Suzi, mas gusto pa rin niya ang mga anti-aging treatment na mapapanatili pa rin ang kanyang natural facial expressions.
“Sakto lang and will allow natural expressions pa rin. Di na uso yung face na hindi na gumagalaw!” chika pa ni Suzi.
https://bandera.inquirer.net/303992/4-na-kapuso-host-kanya-kanyang-hirit-ng-kanilang-kuwentong-frogs-habang-naka-quarantine
https://bandera.inquirer.net/292000/kahit-anong-gawin-mo-na-maging-mabait-at-perpekto-lagi-silang-may-sasabihing-mali
https://bandera.inquirer.net/292265/bakit-sina-maymay-at-melai-ang-paboritong-pbb-housemates-ni-robi
https://bandera.inquirer.net/307246/maymay-kakaririn-ang-pag-aaral-sa-canada-ang-buhay-ko-po-rito-ay-masayang-masaya